ARESTADO ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) matapos nakumpiskahan ng humigit-kumulang P342,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang naarestong suspek na si alyas “Jigger”.
Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) sa Barangay Sto. Nino 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jigger at nakumpiska ang humigit-kumulang 50.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P342,042.00, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
(SIGFRED ADSUARA)
54 