IPO PROSPECTS NG MYNT INC. POSITIBO; PRESYO, MAAARING MAS MABABA SA P10

NANANATILING positibo ang ilang financial analyst sa inaabangang Initial Public Offering (IPO) ng Mynt Inc., ang parent company ng GCash, kahit inaasahang maaaring mas mababa sa P10 ang magiging final offer price nito.

Ayon kay BDO Capital President Eduardo Francisco, maaaring nasa P7.50 hanggang P8.50 kada share ang magiging presyo ng IPO, mas mababa sa maximum na P10 kada share.

Sinabi ni Francisco na maaaring magbigay ito ng mas mababang entry point para sa mga investor sakaling ma-lista at magsimulang i-trade ang shares ng kumpanya.

Samantala, sinusuportahan umano ng independent research ang valuation na hanggang P10 kada share, batay sa kita, cash flow at posisyon ng Mynt sa digital financial services sector.

Tinataya naman ng AB Capital Securities na maaaring umabot sa P531 bilyon hanggang P834 bilyon ang equity value ng Mynt gamit ang discounted cash flow method.

Binigyang-diin din ng Morgan Stanley na nakapagtala ang Mynt ng P17.2 bilyong net income mula sa P79.7 bilyong adjusted revenue noong 2025, katumbas ng 21.6% net margin at 32.1% return on equity.

Sa unang kalahati ng 2026, umakyat umano sa 25.2% ang net margin ng kumpanya, habang inaasahang aabot sa P21.2 bilyon ang net income nito para sa buong 2026.

Ayon sa mga market observers, maaaring makatulong ang mas mababang IPO price upang makahikayat ng mas maraming institutional at retail investors at mapalawak ang investor participation sa magiging listing ng Mynt.

Itinuturing na mahalagang kaganapan sa Philippine capital market ang planong listing ng Mynt, na magbibigay ng pagkakataon sa mga investor na magkaroon ng bahagi sa parent company ng GCash at makatutulong sa pagpapalawak ng investment participation sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

72

Related posts

Leave a Comment