COMELEC NAGTALA NG 84.34% VOTER TURNOUT SA BARMM ELECTION

NAGTALA ang unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng 84.34% voter turnout, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkoles.

Sinabi ng poll body na mas mataas ang turnout kaysa inaasahang 80%.

Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa kabila ng mga insidente ng karahasan at pamamaril ay nagpasya ang rehiyon na bumoto at nanatiling matatag ang mga kababayan na Bangsamoro at pumunta pa rin sa mga polling precinct para bumoto.

Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang unang parliamentary election ng BARMM ay pangkalahatang mapayapa, na inilalarawan ang mga insidente ng karahasan bilang isolated cases.

Ang Bangsamoro Federal Party (BFP) ay nakakuha ng 16 na puwesto habang ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ay nanalo ng 15 na puwesto sa makasaysayang BARMM parliamentary elections.

Ang BARMM Grand Coalition ay nanalo ng walong puwesto, habang ang Raayat Democratic Party ay nakakuha ng isang puwesto, ayon sa canvass report ng Comelec para sa Regional Parliamentary Political Party.

Ang parliament ng BARMM ay may 80 puwesto: 40 inilaan sa mga kinatawan ng partido, 32 sa mga kinatawan ng distrito at walo sa mga kinatawan ng sektor.

(JOCELYN DOMENDEN)

60

Related posts

Leave a Comment