BISTADOR ni RUDY SIM DUWAG, ganito ilarawan ng ilang concerned government employees ng Bureau of Immigration, ang umano’y personal na pag-atake ni BI Commissioner Joel Anthony Viado sa kaalitan nitong opisyal ng ahensya kasunod ng sunod-sunod na department orders at memorandum orders na ipinalabas na nag-aalis ng kapangyarihan sa isang tanggapan dito. Nag-ugat ang sigalot ng dalawang opisyal ng BI nang sumugod at nagsisigaw si Viado upang tapusin at pirmahan sa isinagawang meeting noong Mayo 2, ng Bids and Awards Committee, ang P2.9 bilyong E-Gates project ng pamahalaan para sa…
Read MoreAuthor: admin 3
SA PANUNUNGKULAN NI MUNTI CONG. JIMMY FRESNEDI, PINAPANDAY LANDAS NG MAKABAGONG PAGKATUTO
TARGET ni KA REX CAYANONG MALINAW na sa pagsisimula ng ika-20 Kongreso, buong husay at malasakit na inihain ni Congressman Jimmy Fresnedi ng One Muntinlupa Party, ang sampung (10) prayoridad na panukalang batas na nakatuon sa edukasyon. Ito ay isang malinaw na pahayag na ang tunay na lider ay inuuna ang pundasyong nagbubukas ng mas maraming oportunidad at ito ay ang edukasyon. Sa panahong ang kalidad at accessibility ng edukasyon ay patuloy na sinusubok ng makabagong hamon, mahalagang kilalanin ang mga hakbang na may layuning palawakin ang saklaw ng serbisyo,…
Read MoreWALANG IBA KUNDI ANG KORTE SUPREMA
PUNA ni JOEL O. AMONGO KAPAG may malaking usaping legal, hindi nawawala ang mga opinyon. May mga abogado, may mga eksperto, at may mga netizen na may kanya-kanyang paliwanag. Pero sa ilalim ng ating Konstitusyon, iisang institusyon lang ang may kapangyarihang magbigay ng pinal na interpretasyon ng batas. Ito ay ang Korte Suprema. Labinlimang mahistrado ang bumubuo sa Korte Suprema. Sila lang ang may karapatang magsabi kung tama o mali ang isang proseso, kung naaayon ito sa Konstitusyon, at kung dapat ba itong ituloy o itigil. Hindi ito trabaho ng…
Read MorePAGBABALIK NG QUAD COMM NILA-LOBBY NG MGA DATING MIYEMBRO
TILA nagla-lobby ang mga dating lider ng Quad Committee sa mga miyembro ng 20th Congress na buhayin ang nasabing komite at ituloy ang imbestigasyon sa mga sindikato ng Chinese nationals sa bansa, katiwalian sa gobyerno at mga pagpatay. Noong 19th Congress, binuo ang Quad Comm na nag-imbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Extrajudicial killings noong kasagsagan ng war on drugs, illegal drug trade kung saan nahagip ng mga ito ang anila’y “high-level corruption’ sa loob gobyerno. Binubuo ito ng committees on Dangerous Drugs na pinamunuan ni dating Surigao del…
Read MoreSINOPLA SA KAMARA: PADILLA MAINIT LANG SA BATANG ‘KRIMINAL’
SINUPALPAL ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. Robin Padilla dahil habang gusto niyang absweltuhin sa pagpatay si dating pangulong Rodrigo Duterte ay nais naman niyang parusahan ang mga batang nagkakasala sa batas. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Renee Co, wala sa hulog ang panukalang batas ni Padilla na naglalayong ibaba sa minimum age ang maaaring mapanagot sa mga heinous crime tulad ng parricide, murder, infanticide, robbery with homicide o rape, at drug-related offenses. Nais ni Padilla na lahat ng magkakasala sa nasabing krimen na edad 10…
Read MoreMATINDING PAGBAHA SA PALAWAN PAIIMBESTIGAHAN SA SENADO
NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo ng agarang imbestigasyon sa paulit-ulit at matitinding pagbaha sa Puerto Princesa City, Palawan matapos ang panibagong insidente nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 18. Halos isandaang pamilya ang sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang barangay sa lungsod matapos bahain ang kanilang mga kabahayan dulot ng Bagyong Crising. Ayon sa ulat, higit sa 6,000 pamilya mula sa 31 barangay ang naapektuhan at nawalan ng tirahan. Matatandaang Pebrero ngayong taon nang mapasailalim sa state of calamity ang lungsod nang malubog ito sa baha dahil lamang sa “shear…
Read More3 PATAY, LIBONG BAKWIT INIWAN NG ‘CRISING’, HABAGAT
NAGTALA na ng tatlo kataong nasawi, tatlong nasugatan at libo ang dinala sa evacuation centers dulot ng pagsasanib ng Severe Tropical Storm Crising (international name: Wipha) at Southwest Monsoon (Habagat). Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, sinabi nito na ang dalawang nasawi ay mula sa Northern Mindanao, habang ang isa naman ay mula sa Davao Region. Ang lahat ng nasugatan ay mula sa SOCCSKSARGEN. Iniulat din ng NDRRMC na may tatlo katao na nawawala na pawang mula sa Western Visayas. “The…
Read More2 PATAY, ISA KRITIKAL SA MOTORCYCLE ACCIDENT
SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang rider habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon kasunod ng nangyaring aksidente sa motorsiklo dakong alas-4 ng madaling araw nitong nakalipas na linggo sa Purok Ilang-Ilang, Barangay Saravia, Lungsod ng Koronadal sa lalawigan. Base sa ibinahaging accident report ng Koronadal City PNP Traffic Division, wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, galing umano sa sentro ng Koronadal ang tatlo at nakisaya sa selebrasyon ng ika-26 T’nalak Festival at ika-59 Founding Anniversary ng South Cotabato. Pauwi na ang mga ito…
Read MoreLIVE-IN PARTNERS TIMBOG SA DRUG BUST
CAVITE – Swak sa kulungan ang live-in partners na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, nang madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiskahan ng halos kalahating milyong halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Eric” at “Maribel”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya, at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, nakipagtransaksiyon ang mag-partner sa isang poseur buyer sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Drug Enforcement…
Read More