TARGET ni KA REX CAYANONG SA kabila ng mainit at mahigpit na laban sa pulitika, nanaig ang boses ng mamamayan ng Quezon City sa pagkapanalo ni 4th District Congressman Bong Suntay laban sa kanyang matinding katunggali na si Rep. Marvin Rillo. Ang tagumpay na ito ay patunay ng paninindigan ng taumbayan para sa isang lider na tunay na naglilingkod, hindi lamang sa panahon ng kampanya, kundi sa bawat araw ng kanyang panunungkulan. Hindi maikakaila na si Cong. Suntay ay isa sa kinikilalang masipag at bukas-palad na mga mambabatas ng lungsod.…
Read MoreAuthor: admin 3
CONTEMPT VS ROQUE, IBA PA INALIS NA NG KAMARA
MALIBAN kay dating Presidential spokesman Harry Roque na may arrest warrant dahil sa kasong kriminal sa isang korte sa Pampanga, maaari nang magpakita muli sa publiko ang kanyang misis na si Maila Roque matapos bawiin ng Quad Committee ang kanyang contempt order. Bukod sa misis ni Roque, pwede na ring magpakita muli ang dating economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang kasama sina dating Police Col. Hector Grijaldo at SPO4 Arthur Narsolis. “The motion to lift the contempt order for Col. Grijaldo, spouses Myla and Atty.…
Read MoreSenado ‘ginalaw na ang baso’ HOUSE PROSECUTORS: GAME NA
HANDANG-HANDA na ang prosecution panel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bakbakan sa Impeachment Court para litisin si Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante kasabay ng pahayag na ikinatuwa ng Kamara na matapos ang apat na buwan ay ‘ginalaw na ng Senado ang baso’. “Well, the House of Representatives welcome this development, ginalaw na po ang baso. Nakinig na po ang Senado sa mga pahayag, hindi lang ng Kamara kundi ng iba’t ibang sektor ng lipunan. At again, handa naman…
Read MoreTERMINATION NG IMPEACHMENT VS VP SARA INIHAIN SA SENADO
HINDI pa man pormal na nasisimulan sa Senado ang impeachment trial, inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Resolution 1371 na nagdedeklarang terminated o tapos na nag impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ikinatwiran ni Padilla na mag-aadjourn sine die na ang Kongreso sa Hunyo 13 at lahat ng proceedings nito ay matatapos na. Binanggit niya sa resolusyon na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment dahil sa kawalan ng hurisdiksyon. Nakasaad din sa resolusyon ang Rule 44 Sec. 123 ng rules of the Senate kung saan…
Read More2 HOLDAPER SA TONDO TIMBOG SA 3 MINUTES RESPONSE NG NCRPO
ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga holdaper sa isinagawang 3 minutes response ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Martes ng madaling araw sa Tondo, Manila. Sa direktiba ni Police General Nicolas Torre III, PNP chief, bandang alas-2:10 ng madaling araw nang holdapin ang 33-anyos na driver sa Honorio Lopez Boulevard sa Barangay 129 sa Tondo, sakop ng MPD-Raxabago Police Station 1. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ni Police Major General Anthony Aberin, NCRPO chief, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper na may edad na…
Read More8 TAGUIG POLICE SINIBAK SA WARRANTLESS SEARCH
IPINASIBAK ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin ang walo sa 10 pulis na sangkot umano sa pagpasok sa isang bahay nang walang search warrant noong Pebrero 9, 2025. Batay sa isinagawang comprehensive investigation ng Disciplinary Authority ng NCRPO, lumitaw na napatunayang nagkasala sa kasong grave neglect of duty ang substation commander at maparurusahan ito ng one rank demotion. Limang pulis naman ang napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahang pagkakasibak sa serbisyo. Habang napatunayan namang…
Read MoreSENATOR-JUDGES NANUMPA NA
NANUMPA na ang mga senator-judge para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes. Suot ng 21 senador na nanumpa ang Oxford crimson robes na inihanda para sa impeachment proceedings. Hindi naman nagsuot ng robe sina Sen. Imee Marcos, Sen. Cynthia Villar at Sen. Robin Padilla bagaman nanumpa sila nang may reserbasyon. (DANNY BACOLOD) 246
Read More40TH ANNIVERSARY IPAGDIRIWANG NG DAY BY DAY JESUS MINISTRY
IPAGDIRIWANG sa Hunyo 15, araw ng Linggo, ang ika-40 anibersaryo ng Day by Day Jesus Ministry na gaganapin sa Space One, Ayala, Makati City Itatampok sa pagdiriwang ang isang espesyal na Prayformance ng KALOOB Dance Ministry sa ganap na alas-3:00 ng hapon, na magpapakita ng pagsamba sa pamamagitan ng cultural dance at musika. Ang milestone event na ito ay bilang pagpaparangal sa apat na dekada ng pananampalataya, komunidad, at paglilingkod sa Diyos, sa pangunguna ng Punong Pastor at Tagapagtatag nito na si Dr. Ed Lapiz. Layunin ng samahan na magkaisa…
Read MoreSa akusasyong illegal logging DATING TANOD SINAMPAHAN NG CYBER LIBEL NG KAPITAN
QUEZON – Nagreklamo ng cyber libel ang isang kapitan ng barangay matapos akusahan sa social media ng umano’y pagkasangkot sa illegal logging ng isang dating tanod sa Tayabas City. Personal na humarap sa himpilan ng pulisya noong Lunes ng hapon, Hunyo 9, ang biktimang si “Rudy”, 56-taong gulang na kapitan ng Barangay Alitao, at ini-report ang serye ng umano ay mapanirang-puri at malisyosong post laban sa kanya. Ayon dito, nagsimula ang paninirang-puri noong Marso 12, 2025, alas 9:30 ng gabi, kung saan nag-post ang suspek na si “Liberato”, dating barangay…
Read More