PATAY ang isang 61-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng kapitbahay makaraang nagtalo dahil sa selos sa Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon.
Kinilala ang napatay na biktimang si alyas “Danilo”, 61, ng Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor City, habang pinaghahanap ang mga suspek na sina alyas “Kalbo” at “Josie”, kapwa residente ng Bagong Silang 3A, Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, habang naaresto naman si alyas “Richard” ng nasabi ring lugar.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at si Kalbo dahil sa selos kay Josie.
Tinangka umano ng anak ng biktima na umawat subalit pinigilan siya nina Richard at Josie, na nauwi sa pananaksak ng huli.
Matapos ang pananaksak, tumakas sina Kalbo at Josie sakay ng isang tricycle habang si Richard ay naaresto sa follow-up operation ng pulisya.
(SIGFRED ADSUARA)
104 