QUEZON POLICE KINASTIGO SA WARRANTLESS ARREST SA GRUPO NI JADE CASTRO

PINAGALITAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hepe ng Catanauan, Quezon dahil sa pag-aresto sa grupo ng movie director na si Jade Castro nang walang warrant of arrest kaugnay ng sinunog na modern jeep noong Enero 31, 2024 sa nasabing lalawigan. Sa pagdinig ng House Committee on Peace and Order na pinamumunuan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez, hindi naitago ni House Deputy Majority Leader Walter Palma ang galit sa hepe ng Catanauan, Quezon Municipal Police Station na si Police Capt. Daniel dela Cruz Jr. “Iimbitahin mo, tapos aarestuhin mo?…

Read More

PINSALA NG EL NIÑO UMAKYAT SA P151-M

UMAKYAT na sa mahigit P151.3 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa nararanasang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, ayon sa Task Force El Niño. Ayon sa ulat Task Force El Niño, ang Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang pinakaapektado sa kasalukuyan kung saan nasa 4,000 mga magsasaka ang uminda sa labis na tagtuyot. Batay sa datos ng Department of Agriculture, humigit-kumulang 93% ng pinsala ay sa bigas habang ang natitirang 6% ay sa mais. Para matulungan naman ang mga magsasakang apektado ang kabuhayan dahil…

Read More

DAHILAN SA PI SIGNATURE WITHDRAWAL, OPSYUNAL – COMELEC

NILINAW ng Commission on Elections na opsyonal ang pagbibigay ng dahilan o rason para sa pagbawi ng lagda sa People’s Initiative withdrawal form. Ayon sa Comelec, ang forms ay tatanggapin pa rin kahit magbigay o hindi ng rason ng kanilang withdrawal. Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang paglilinaw matapos kwestyunin ng mga senador ang nasabing bahagi ng form at sinabing ito ay magiging kumplikadong proseso lamang at pahirap sa signatories. Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, hindi na dapat hingian pa ng paliwanag ang ating mga kababayan na…

Read More

HUWAG DUNGISAN ANG IMAHE NG PNP-WPD – MAYOR LACUNA

“HUWAG nyo sana hayaang madungisan ang magandang pangalan at imahe ng Manila Police District (MPD).” Ito ang panawagan ni Mayor Honey Lacuna sa kanyang pagsasalita sa MPD’s 123rd anniversary sa harap ng MPD officers and men sa pangunguna ni Director, Gen. Arnold Thomas Ibay at lahat ng station commanders at pinuno ng iba’t ibang units. Sa kanyang maiksing mensahe, ginunita ni Lacuna ang Philippine Commission Act No. 70 na ipinasa at ipinatupad noong January 9, 1901, na nagtatag sa Metropolitan Police Force of Manila sa pamumuno ng noon ay Military…

Read More

RBH 7 ISINALANG SA KAMARA PARA SA CONSTITUENT ASSEMBLY

NAGHAIN ng sariling Resolution of Both Houses ang Kamara de Representantes para talakayin ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution bilang kabahagi ng Constituent Assembly kasabay ng Senado. Ang RBH 7 ng Kamara ay kahalintulad ng RBH 6 ng Senado na layuning amyendahan lamang ang ilang economic provisions ng Konstitusyon at hindi sakop ang political provisions na pinangangambahan ng nakararaming Pilipino. Ang RBH 7 ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe bago magsimula ang sesyon…

Read More

PAGLABAN SA MGA ONLINE SCAM

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TALAGA bang naging mas matalino at maingat na ang mga Pilipino sa mga online scam? Ayon sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG), malaki ang ibinagsak ng bilang ng mga kaso ng mga online scam sa bansa nitong nakaraang buwan ng Enero. Kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, bumaba ito nang 40 porsyento matapos magtala ang PNP-ACG ng 624 na kaso lamang mula sa 1,045. Dahil umano ito sa patuloy na pagsusumikap na labanan ang mga online scammer, at pagpapalawig ng operasyon ng…

Read More

BI EMPLOYEE NA-ENTRAP PERO UNTOUCHABLE KAY COMMISSIONER

BISTADOR ni RUDY SIM PINALAGAN ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang tila pagkunsinti ng pamunuan ni Commissioner Norman Tansingco sa isang fingerprint examiner na nakatalaga sa NAIA Terminal 3, matapos itong mahuli sa entrapment operation kamakailan matapos umanong hingian ng pera ang isang dayuhan. Ayon sa report. sa kagustuhang maibalik umano ng isang Jacob Dela Rosa ang isang naiwang mahalagang dokumento ng isang dayuhan matapos itong dumating sa bansa, naisipang hanapin umano ni Dela Rosa ang Facebook account ng dayuhan upang ipaalam na ang kanyang I-Card ay…

Read More

ILLEGAL QUARRYING AT DREDGING OPERATIONS PINAIIMBESTIGAHAN NI ALBAY GOV. LAGMAN

TARGET ni KA REX CAYANONG IPINAG-UTOS ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na paigtingin ang imbestigasyon at tugisin ang mga salarin sa iniulat na ilegal na quarrying at dredging operations sa probinsya. Inilabas ni Governor Edcel Greco Lagman ang isang memorandum na nagpapalakas ng kahalagahan ng pag-imbestiga sa ilegal na mga aktibidad na hindi lamang sumusuway sa mga batas sa kalikasan kundi nagdudulot din ng malaking banta sa ekolohikal na balanse at panatilihin ang kaunlaran ng lalawigan. Ang memorandum ay nag-aatas sa Provincial Administrator, Provincial Environment and Natural Resources officers, legal…

Read More

Patunayang hindi pera ng bayan DONORS, VOLUNTEERS NG P55-M EDSAPWERA AD HINAMONG LUMANTAD

NAGKAKAISA ang mga netizen na dapat lumantad ang mga taong nagtulong-tulong umano para malikom ang P55 milyon na inilaan para sa TV advertisement na Edsapwera kaugnay ng isinusulong na People’s Initiative o PI. Sa nasabing patalastas ay sinisisi ang 1987 Constitution na siya raw ugat ng mga problema sa bansa kaya kailangan itong amyendahan. Gayunman, sa pagdinig sa Senado, hindi napaamin ang mga nagsusulong ng Charter change (Cha-cha) kung sino ang mga nag-donate para makapaglabas sila ng advertisement sa telebisyon. Ayon kay Noel Oñate, lead convenor ng People’s Initiative for…

Read More