INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na iprayoridad ang pagkukumpuni sa mga nasirang lansangan at ang gusali ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Caraga. Nagbigay ng direktiba ang Pangulo matapos ang pag-uulat hinggil sa mga napinsala kasunod ng kamakailan lamang na pagbaha at paglindol sa rehiyon. Sa situation briefing ukol sa epekto ng tuloy-tuloy na low pressure area (LPA) sa Caraga region, malungkot na ibinahagi ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na hanggang ngayon ay hindi…
Read MoreAuthor: admin 5
12K EMPLEYADO DELIKADO SA PAGPASOK NI ANG SA NAIA
NANGANGANIB ang trabaho ng may 12,000 empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ibigay ng gobyerno sa tycoon na si Ramon S. Ang ang rehabilitasyon nito. Nangangamba si dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil tulad ng ibang public utilities na isinapribado, tinanggal ang mga empleyado at pinalitan ng sariling tauhan ng pribadong kumpanya. “It may also result into job losses of around 12,000 NAIA employees and thousands of other concessionaire employees at the airport,” ani Gaite. Kasunod ito ng anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakuha…
Read MoreKAMARA NILALARO NG SENADO?
HINDI naitago ng isang administration congressman ang pagkapikon sa Senado partikular kay Senate President Juan Miguel Zubiri dahil sa patuloy na pag-atake, hindi lamang sa kanilang mga lider kundi maging sa kanilang institusyon. “Nilalaro ba tayo ni Senate President Zubiri? We are puzzled with the recent actions of the Senate with regard to their treatment of the House leadership and our institution,” ani Zambales Rep. Jefferson Khonghun. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil noong Miyerkoles ay inanunsyo umano ni Zubiri sa buong mundo na nagkasundo silang dalawa ni House Speaker…
Read MoreSLEX WORKER PATAY SA PAMAMARIL NG NAKATALONG SECURITY GUARD
PATAY ang isang trabahador ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos barilin ng OIC ng mga security guard ng isang industrial park sa Brgy. Batino, Calamba City, Laguna nitong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang biktima na kinilala ng Calamba City police na si Ronald Viñas Santillan, 32 anyos, residente ng Muntinlupa City at welder ng Archen Construction Group. Kinilala naman ang suspek na isang alyas Demetrio, residente ng Barangay San Pedro, Sto Tomas City, Batangas at security-in-charge ng Calamba Premiere Industrial Park (CPIP). Ayon sa imbestigasyon ng Calamba…
Read MoreTRICYCLE DRIVER BINOGA SA ULO SA FOOTBRIDGE
QUEZON – Dead on the spot ang isang 48-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa footbridge sa Brgy. Buenavista East, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Agaton De Silva, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report ng Candelaria Police, naglalakad ito sa footbridge dakong alas-9:20 ng gabi nang biglang lumitaw ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima. Sabog ang ulo nito na siyang agarang ikinamatay ng biktima. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang…
Read MoreBUNTIS NALUNOD SA IRRIGATION CANAL
TAYABAS CITY – Nalunod ang isang buntis sa irrigation canal sa Brgy. Opias, Tayabas City nitong Sabado ng hapon. Kinilala ng biktima na si Mary Joy Sagun Diala, 26-anyos. Ayon sa report, nag-iisang naglalaba ang biktima sa lugar pero nang mag-aalas-5:00 ng hapon ay nadiskubre ito ng kanyang mga kaanak na walang buhay sa mababaw na canal. Ayon sa pamilya nito, madalas na nakararanas ng pagkahilo ang biktima dahil sa kanyang pagdadalantao at mayroon din itong history ng epilepsy. Ayon naman sa pulisya, posibleng nahilo ito at nawalan ng malay…
Read MoreFRANCHISE FREE TELCOS NG NEDA TABLADO
TINABLA ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mungkahi ng National Economic and Development Authority (Neda) na ilibre na sa prangkisa ang telecommunication companies upang dumami ang players sa telecom industry. “There is absolutely no way that Congress will give up its power to closely supervise the telecommunications sector, which is heavily imbued with public interest,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Bago makapagsimula ng operasyon, kailangan munang humingi ng prangkisa sa Kongreso ang isang player sa communication industry subalit nais ng NEDA na alisin na ang requirements na…
Read MoreFarmers, self-employed echapwera P100 WAGE HIKE PAPOGI NI MIGZ?
HINDI makabubuti kundi makasasama ang P100 minimum wage hike na isinusulong sa Senado. Babala ito ng isang grupo ng mga negosyante. Sa position paper na ipinadala ng mga negosyante kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may petsang Pebrero 14, 2024, nagpahayag ng mariing pagtutol ang iba’t ibang business group sa pagpasa ng Senate Bill 2534 o ang panukalang Wage Increase Act of 2023. Sinabi ng mga negosyante na bagamat makikinabang ang may 5 milyong empleyado sa pribadong sektor sa panukala, maiiwanan naman ang 47 milyong self employed gaya ng…
Read MoreDRILLING SA MASUNGI MAGPAPALUBOG SA NCR
NAGBABALA ang isang mambabatas sa Kamara na lulubog sa baha ang buong National Capital Region (NCR) kahit mahinang ulan lang kapag hindi itinigil ang drilling activities sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal. Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, tanging ang Masungi Georeserve ang proteksyon ng Metro Manila sa matinding pagbaha subalit dahil sa aktibidad na ito ay asahan ang matitinding pagbaha pagdating ng ulan. “We call for the immediate stop and relocation of this project by the Rizal Wind Energy Corp. (RWEC)…
Read More