Concon hindi ConAss ipinanawagan ‘PI’ PAKANA NG KAMARA – SOCIALISTA

CONSTITUTIONAL Convention hindi Constituent Assembly ang ipinanawagan ng militanteng grupo na Kilusan ng mga Manggagawang Socialista nang magsagawa sila ng piket protesta sa harapan ng Kamara de Representantes sa Batasan Road, Quezon City kahapon. Tinuligsa rin ng Socialista ang mababang kapulungan na may ‘pakana’ umano ng nagaganap na People’s Initiative sa paglalayong baguhin ang ilang probisyon sa Saligang Batas ng bansa. Hindi tunay na diwang inisyatiba ng mamamayan ang malaganap na pangangalap ng pirma ng tao mula sa mga pamayanan maging sa pamilihang bayan. Ayon kay Eding Villasin, tagapagsalita ng…

Read More

BRGY. OFF’LS ‘DI DAPAT MAKIALAM SA PIRMA CAMPAIGN – COMELEC

INIHAYAG ni Comelec Chairman George Garcia na hindi dapat makialam ang barangay officials sa signature campaign sa People’s Initiative para sa Charter change (Cha-cha). Sinabi ito ni Garcia sa “Kapihan sa Manila Bay” forum, kasunod ng magkaibang pananaw o pahayag ng ilang mga opisyal ng DILG kaugnay sa pakikilahok ng barangay officials sa People’s Initiative. Sinabi ni Garcia, unang-una ang hurisdiksyon ng Comelec ay kapag nag-file ang mga kandidato ng kanilang certificate of candidacy, at kapag sila ay naproklama. Pagkatapos aniya ng panahon na iyon, ang hurisdiksyon ay nasa DILG…

Read More

HUSTISYA SA PNP-SAF 44 MAILAP PA RIN

PINANGUNAHAN kahapon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Interior and Local Government Secretary Atty. Benhur Abalos ang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng “Mamasapano massacre” o kabayanihan ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force Commandos, sa Camp Castañeda, Silang, Cavite. Siyam na taon na ang nakalipas, nanatiling mailap pa rin ang hustisya para mga kasapi ng SAF 44 na sinasabing isinakripisyo para lamang madakip sina Malaysian terrorist Zulkifli Abdhir alias “Marwan”, at Filipino terrorist Abdul Basit Usman. “The defiant stand of the Brave 44 still echoes today. It is…

Read More

REP. NOGRALES: KABATAAN BIGYAN NG EXTRA TRAINING

HINIKAYAT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, chairman ng House of Representatives’ labor and employment committee, ang gobyerno na maglaan ng accessible avenues para sa mga kabataan na magkaroon ng extra skills sa gitna ng tumitinding kumpetisyon sa labor market. “As we commemorate Rizal Day, I hope we will be reminded of the power of education, and how it can help our youth tackle the challenges of the future,” pahayag ni Nograles. Ipinunto ng Rizal lawmaker kung paanong ang kritikal na edukasyon ng national hero ay nagpalakas sa bayani,…

Read More

MAHUSAY NA KOMUNIKASYON NG MERALCO NAGNINGNING SA IKA-20 PHILIPPINE QUILL AWARDS.

Pinangunahan nina Manila Electric Co. (Meralco) Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga at One Meralco Foundation (OMF) President Jeffrey O. Tarayao ang pagtanggap ng 28 parangal sa katatapos lamang na 20th Philippine Quill Awards, kung saan kinilala ang mga programa ng kumpanya na nakatuon sa pampublikong serbisyo, sustainability, at innovation sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon. “Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Meralco na lalo pang paghusayan ang aming mga programang pampublikong komunikasyon para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa publiko,” ani Zaldarriaga. Tanging…

Read More

‘Big donor’ ni BBM dapat nang magbitiw PCSO MATUTUYUAN NG PONDO KAY ROBLES

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maubusan ng pondo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapag hindi nag-resign si General Manager Mel Robles dahil nawawalan na ng tiwala ang mga tao sa lotto. “Now, people apparently distrust the whole system. Without them betting, how can PCSO raise funds for the poor Juan dela Cruz who needs medicine, food and government care? PCSO’s credibility is now tainted because of poor management,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil may mga…

Read More

PBBM: EPEKTIBONG TRANSPORT SYSTEM SOLUSYON SA TRAPIK

MAHALAGA ang isang epektibo at episyenteng public transport system para tugunan ang traffic congestion sa bansa. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para mapagaan ang pagdurusa ng mga mananakay kabilang na rito ang ayusin ang Pasig River Ferry stations. Ang mga maaapektuhang informal settlers dahil sa plano na ito ng gobyerno, ayon sa Pangulo ay kagyat na ire-relocate. “There is a plan already. Nakapag-identify na kami sa Pasig River. Nakapag-identify na kami ‘yung tinatawag na transition areas where magtatayo tayo ng temporary lodging…

Read More

CONCON HINDI HUWAD NA PI – MANGGAGAWA

TINAWAG ng Kilusan ng mga Manggagawang Socialista na huwad ang People’s Initiative na pinapipirmahan ngayon para amyendahan ang Artikulo XVII Section 1 ng 1987 Constitution. Itinuturing din ng grupo na Trapo Initiative ang pagpapapirma at hindi ang tunay na diwang inisyatiba ng mamamayan. “Lantad sa mamamayan ang papel ng mga congressman sa signature campaign na ito. Mga tauhan nila ang umiikot sa komunidad para makakalap ng pirma, ang bayad para sa mga lider na makakapagpapirma ay galing sa mga Congressman, at may paayuda pang bigas para mabilis na mapapirma ang…

Read More

Nakalap na lagda sa PI higit 3% na WALA NANG ATRASAN SA CHA-CHA

MISTULANG hindi natinag ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pag-atras ng Senado sa Charter change (Cha-cha) bagkus ay kumpiyansa ang mga ito na maaamyendahan pa rin ang 1987 Constitution dahil lagpas na umano sa 12 percent ang nakalap na lagda para sa People’s Initiative (PI). Sa isang panayam, kinumpirma ni Albay Rep. Joey Salceda sobra-sobra na umano sa 3% ang lagdang nakalap sa bawat congressional district sa buong bansa kaya wala na umanong atrasan ang PI. “Point of no return na ‘yan (PI),” ani Salceda at kahit tanggalin…

Read More