KINUMPIRMA kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., na Disyembre pa noong nakaraang taon niya pinirmahan ang dismissal order sa naging kontrobersyal na si Police Lt. Col. Mark Julio Abong. Si Abong ay naging kontrobersyal matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa harap ng isang resto bar sa Quezon City. Subalit una rito ay nadawit ito sa pagkamatay ng isang pedicab driver na nasalpok ng kanyang sasakyan sa Quezon City. Ayon kay Gen. Acorda, noong Disyembre 18, 2023 pa niya nilagdaan ang pagsibak kay Abong sa…
Read MoreAuthor: admin 5
NANGULILA SA PAMILYA, TECHNICIAN NAGBIGTI
PINANINIWALAANG nangulila sa pamilya ang isang 59-anyos na elevator technician na natagpuang patay habang nakabigti sa inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Manila. Hinihinalang ilang araw nang patay ang biktimang si alyas “Rodel”, may asawa, dahil masangsang na ang amoy nito. Base sa ulat na isinumite ni Det. Irene Jay Manalili kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:25 ng gabi noong Linggo nang madiskubre ang walang buhay na biktima habang nakaupo sa silya at nakabigti sa nylon cord. Ayon sa kapitbahay na isang tattoo…
Read MoreSEXUAL ASSAULT SUSPECT TIMBOG
SYUT sa selda ang isang top 10 most wanted person sa kasong sexual assault, makaraang arestuhin ng mga tauhan ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT) sa Barangay 770, Zone 84, Sta. Ana, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Stephen Peru, 31, binata, residente ng Sta. Ana, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DID-SMaRT, bandang alas-2:20 ng hapon ang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial…
Read MoreKOMPANYANG HINDI NAGBIBIGAY NG DISCOUNT SA PWD, SENIORS PINAIIMBESTIGAHAN NI ROMUALDEZ
INATASAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga angkop na komite ng Kamara de Representantes upang imbestigahan, para makalikha ng kailangan batas, ang hindi umano pagbibigay ng discount sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ng ilang kompanya. Ipinatawag ni Speaker Romualdez ang motu proprio investigation dahil sa mga natanggap nitong ulat kaugnay ng paglabag umano sa Republic Act (RA) No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 at R.A. 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs, na nagkakaloob ng benepisyo…
Read MoreP883.624-B RECORD-BREAKING COLLECTION NG BOC NOONG 2023 IBINIDA NI RUBIO
BINIGYANG-DIIN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang accomplishments ng Bureau of Customs (BOC) noong 2023 at binalangkas ang mga layunin para sa 2024 sa bureau’s New Year’s Call noong Enero 10, 2024. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng pangunahing mga opisyal ng BOC, kasama ang Assistant Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors, at Division Chiefs. Ini-highlight ng Commissioner ang mga nagawa nila sa ilalim ng 5-point priority program, ang tagumpay sa digitalization ng 96.99% ng mga proseso ng customs. Ipinagmalaki rin ng BOC ang kanilang naabot na record-breaking collection…
Read MoreP7.507-M SHABU NASABAT SA BOC PORT OF CLARK
NAPIGILAN ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tangkang pag-export ng P7.507 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa isang shipment na idineklara bilang “shaft drive model”, na patungo sana sa New Zealand noong Enero 3, 2024. Ang nasabing export shipment na nagmula sa Parañaque City ay unang na-tag bilang kahina-hinala sa pamamagitan ng X-ray Inspection Project personnel. Dahil dito, agad itong isinailalim sa K9 sniffing and physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre sa tatlong pakete ng white crystalline substances na may timbang na 1,104 gramo, na inilagay sa loob ng…
Read MorePROBLEMA SA TRANSPORTASYON
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Hindi na nakagugulat na isa ang Metro Manila sa may pinakamabigat na daloy ng trapiko sa buong mundo. Halos lahat ng nakasasalamuha natin sa araw-araw ay nakararanas ng pagsubok, pagkainis at minsan pa’y kawalan ng pag-asa sa estado ng pangunahing mga lansangan lalo na kapag rush hour. Pero kung tutuusin, halos wala na ngang pinipiling oras ang rush hour na ito. Base sa pinakahuling pag-aaral ng TomTom, isang Dutch multinational na kumpanyang nagbibigay ng datos ukol są trapiko są mundo, ang Metro Manila nga ang…
Read MoreMABUTI AT NAHIMASMASAN ANG DA SA SRP
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na itutuloy ng Department of Agriculture ang planong magtakda ng suggested retail price (SRP) sa bigas sa bansa. Nauna nang binalak ng DA na magpatupad ng SRP sa bigas bunsod ng mataas na presyo nito at masigurong may bigas na abot-kaya ang presyo para sa mamamayan. Upang maipatupad ang plano, sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa na kailangan ang konsultasyon sa mga stakeholder mula sa mga grupo ng consumer, producers, traders at millers upang maitakda ang SRP. Ang pahayag ng DA…
Read MoreILANG PNP OFFICIALS GAMIT SA MULTI-MILLION PAYOLA
BALYADOR ni RONALD BULA MARAPAT lang na paimbestigahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang tungkol sa talamak na pangongolekta ng “payola” ng mga kolektong sa mga operator ng illegal gambling gamit ang ilang matataas na mga opisyal ng kapulisan. Hindi lamang ito direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602, ng mismong mga tagapagpatupad ng batas. Saan mang lupalop na lugar sa ating bansa ay lantaran ang operasyon ng ilegal na sugal na sa pakiwari ko ay walang gobyerno…
Read More