NAGAWA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakolekta ng mahigit sa 2.6 million kilograms ng basura mula sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ng gobyerno. Mahigit 9,000 barangay ang nagpartisipa rito. Base sa national status report ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo, makikita na nakakolekta ang KALINISAN program ng 2,646,948 kilograms ng basura mula sa 9,189 na nagpartisipang barangay sa bansa. Iniulat din ng DILG na 580,000 indibidwal ang nagpartisipa sa clean-up drive kasama ang 109,939…
Read MoreAuthor: admin 5
2023 TARGET COLLECTION NAHIGITAN NG NTC
UMABOT sa 9.43 billion ang halaga ng koleksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa taong 2023. Lagpas ito ng 3.5 billion pesos o 6.2 percent sa collection target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 5.91 billion pesos. Ayon sa NTC, ang malaking koleksyon ng ahensya ay bunsod ng pagsusumikap ng mga tauhan nito sa mahigpit na pagpapatupad ng stakeholders’ compliance sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, at pagbabantay sa regulation fees at penalties. Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga cable at commercial television operators,…
Read MoreP1-M ALAHAS TINANGAY, AKYAT-BAHAY HULI SA CCTV
CAVITE – Natukoy ang pagkakakilanlan ng isang lalaking hinihinalang akyat-bahay na tumangay sa mahigit P1 milyong halaga ng mga alahas at P10,000 cash sa bahay ng retiradong colonel, makaraang mahagip ng CCTV sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Arestado ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Renel”, ng Barangay Niog, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni Ret. Colonel Rafael Jackson Cabiles Belleb, 60, ng Brgy. Mambong 4, Bacoor City, kay Police Master Sergeant Armando Perez, umalis sila ng kanyang pamilya dakong alas-9:45 ng umaga at nagtungo sa…
Read More‘HOLDAPER’ PATAY SA BUGBOG NG 2 BIKTIMA
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na umano’y holdaper at inaresto ang dalawang lalaking hinoldap umano nito sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang natagpuang patay na si Welchris Parong y Maraon, 36, tubong Negros Oriental. Iniimbestigahan naman sina alyas “Memark” at “Dominick”, kapwa residente ng Brgy. Sta. Maria, Dasmariñas City, unang nagreklamong biktima sila ng robbery holdup. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Wilfred Guevarra ng Dasmariñas City Police, nagtungo ang suspek na si Dominick sa Barangay Hall…
Read More7 BANGKAY NAHUKAY SA MASS GRAVE
LANAO DEL NORTE – Pitong bangkay ang nahukay ng mga pulis at sundalo sa bulubunduking lugar sa Sitio Lapao, Barangay Kurkom, sa bayan ng Sapad sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Nangyari ang pagkakadiskubre matapos makatanggap ang Sapad Police ng report mula sa isang concerned citizen na may mga bangkay na inilibing sa nasabing lugar. Agad nakipag-coordinate ang PNP at mga sundalo sa Municipal health officer ng bayan at magkakasamang pinuntahan ang lugar na 30 kilometro ang layo mula sa kabayanan. Ayon sa PNP, ang nasabing lugar ay hindi napapasukan…
Read More12 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA MOTOR BANCA
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng local government unit (LGU) ang 12 pasahero ng lumubog na family motor banca sa karagatang sakop ng Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Enero 7. Ayon sa ulat, habang naglalayag patungo sa Dapitan City mula Selinog Island, nang mamataan ng coast guard at LGU personnel ang mga indibidwal malapit sa lumubog na motorbanca kaya agad silang nagsagawa ng rescue operation. Kabilang sa 12 pasahero ang dalawang sanggol, dalawang bata, at walong nakatatanda. Ayon sa mga nasagip, umalis sila ng Purok Langaman sa…
Read MoreSHS PROGRAM HINDI INAALIS NG CHED
PINABULAANAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang ulat na inalis na ang senior high school (SHS) program, kasunod ng pagpapalabas ng memorandum na inaatasan ang state at local universities and colleges na itigil na ang programa. Sa isang panayam, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na walang kapangyarihan at wala sa hurisdiksyon ng CHED na wakasan o tuldukan ang SHS program. Pinaalalahanan lamang nito ang SUCs at LUCs na itigil ang programa dahil wala itong legal na basehan na ipagpatuloy pa na tumanggap ng SHS students lalo…
Read MoreKabataan hinikayat sa pagtatanim REP. NOGRALES PINURI TREE PLANTING NG DEPED
PINURI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang programa ng Department of Education (DepEd) na nagresulta sa pagtatanim ng halos dalawang milyong puno sa buong bansa. “The success of the ‘236,000 Christmas Trees’ program points the way to how we can involve our institutions in efforts to restore our country’s greenery. That it has exceeded its target exponentially shows that there are many Filipinos who are eager to do their part to help,” ani Nograles. Ayon sa DepEd, mahigit 1.9 million trees ang kanilang naitanim sa lahat ng rehiyon…
Read MoreNADISKUBRENG DROGA SA RESTO SA NAIA, BINUBUSISI NG PDEA
SINIMULAN na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsisiyasat sa nadiskubreng illegal drugs sa ginibang kusina ng isang eatery sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Ayon sa inisyal na ulat, nadiskubre ng mga karpintero na nagde-demolish sa lumang kusina, ang droga na nakasilid sa tatlong pakete. Hinala ng mga awtoridad, posibleng matagal na itong nakatago dahil kupas na ang plastic bag. Maaari umanong sadyang inabandona ang hinihinalang shabu na may bigat na 1.5 kilos at nagkakahalaga ng P11.5 milyon, sa takot na mahuli bunsod ng mahigpit…
Read More