Para sa pagpapahusay ng kalakalan BOC AT ARISE PLUS PHILS NAGKASA NG WORKSHOP

NAGSANIB ang Bureau of Customs (BOC) at ARISE Plus Philippines kamakailan sa pagsasagawa ng komprehensibong “Integrated Risk Management (IRM) Awareness, Risk Analysis, and Treatment Workshop” para sa pangunahing mga opisyal mula sa BOC Risk Management Office (RMO) and frontline officers na humahawak ng licenses at permits na makatutulong sa Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs). Nakalinya ang pagpapalakas ng mabilis na kalakalan, ang layunin ng ARISE Plus Philippines Project sa nasabing workshop ay mapahusay ang kahandaan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsunod sa kanilang mga pangako sa tungkulin sa ilalim…

Read More

MORE SABIT DIN SA ILOILO BLACKOUT – CASTRO

SABIT din ang MORE Power Corporation matapos banggitin ni Congresswoman France Castro ng Makabayan block na tila wala itong ginawa sa kasagsagan ng blackout na tumama sa Panay Island at ilang lugar sa Negros mula noong Enero 2. Matatandaan na ang MORE ang pumalit sa dating provider na Panay Electric matapos hindi makakuha ang huli ng prangkisa. Ang MORE ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Enrique Razon. Kinuwestyon ni Castro ang kakayahan na proteksyunan ng MORE ang nasasakupan nito pero nabigo dahil nasadlak din sa blackout ang Iloilo City. Matatandaang nagalit…

Read More

CPP-NPA HIGH RANKING TERRORIST NAPATAY

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army ang high-ranking communist terrorist ng CPP-NPA Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), nang makasagupa nito ang mga sundalo mula sa 78 Infantry “Warrior” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, sa bulubunduking bahagi ng Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong nakalipas na linggo. Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, habang nagsasagawa ng routine combat operations ang tropa ng 8TH ID, nasabat nila ang isang grupo ng mga armadong kasapi ng Apoy…

Read More

P442K SHABU NASABAT SA HVI

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Andoy”, nasa hustong edad, ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Buro 3 sa lungsod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakumpiska sa suspek…

Read More

P330-M IBUBUHOS SA VOTE BUYING SA ITINUTULAK NA CHA-CHA NG KAMARA

PAYAT ang P330 million na gagastusin para amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng People’s Initiatives (PI) na sinimulang ilarga umano sa Bicol region. Kapalit ng impormasyon, sinabi ng isang impormante ng SAKSI Ngayon sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan na ang nasabing halaga ay para lamang sa vote buying na inilutang ni Albay Rep. Edcel Lagman. Noong Sabado, isiniwalat ni Lagman na inilunsad na sa Bicol ang Cha-cha nang ipatawag ang mga mayor ng mga administration congressman sa nasabing rehiyon noong Enero 5, 2024 kung saan ang…

Read More

EASE OF PAYING TAXES BATAS NA

TININTAHAN ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 11976, o Ease of Paying Taxes Act, naglalayong palakasin ang ekonomiya at pangalagaan ang karapatan ng mga taxpayer habang inaayos ang revenue collection sa pamamagitan ng digitalization initiatives. Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang nasabing batas nitong Biyernes, Enero 5. Isa ito sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Addresses (SONA) noong 2022 at 2023. Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang bagong batas ay may mahalagang kontribusyon para makamit ang 8-Point Socioeconomic Agenda…

Read More

PRESYO NG BIGAS DI BABABA SA PAGDATING NG IMPORTED RICE

WALANG mangyayaring price rollback sa bigas sa pagdating ng mga imported rice at posibleng tumaas pa umano ang presyo nito sa mga darating na buwan. Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, hindi ibebenta ng mga rice importer ng mura ang inangkat na bigas mula sa India dahil tumaas umano ang presyo nito sa international market. “Kahit sabihin ng DA na parating na ‘yung 500,000 metric tons na inimport mula sa India ay hindi rin magreresulta ng pagbaba n’yan sa palengke dahil alam naman natin na napakataas ng presyo sa…

Read More

SABWATAN NG TRANSPORT OFFICIALS SA PUVMP BUBUSISIIN

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Miyerkoles hinggil sa sabwatan umano ng mga dati at kasalukuyang transport officials sa pag-import ng mga mamahaling sasakyan na ipapalit sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep. Ayon kay House committee on transportation chairman at Antipolo Rep. Romeo Acop, hindi dapat ipagwalang bahala ang impormasyong nakarating kay House Speaker Martin Romualdez hinggil sa anomalya at katiwalian sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). “We cannot allow corruption to take root in the implementation of the modernization program. If we are…

Read More

EXTENSION NG SHS PROGRAMS SA SUCs APELA NG NAT’L PTA

students12

HINIKAYAT ng National Parents-Teachers Association (PTA) Philippines ang Commission on Higher Education (CHED) na ipagpatuloy ang senior high school programs nito sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ng isa pang taon. Sa isang panayam, sinabi ni PTA national president Willy Rodriguez na mabibigyan nito ng mas maraming oras ang mga public schools, guro, magulang at Department of Education (DepEd) na makapaghanda para sa pagbabago. “Sa ngayon po hindi pa handa ang ating mga magulang sa usaping yan. Kasi nga po madaming estudyante ang maaapektuhan,”…

Read More