PINANGUNAHAN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang oath-taking ceremony para sa bagong halal na mga opisyal at Board of Trustees ng Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) kamakailan. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng pagkintal ng pakiramdam sa layunin at pagkakaisa sa bagong halal na mga opisyal ng CCBI. Ang okasyon ay isinagawa noong Disyembre 6, 2023, sa OCOM Conference Room, na nagmarka ng makabuluhang sandali para sa CCBI, nagpapakita sa Bureau of Customs ng dedikasyon sa pag-aalaga sa pangunahing pakikipagtulungan ng mga nasa industriya. “We…
Read MoreAuthor: admin 5
BOC UMAASANG MALALAGPASAN 2023 COLLECTION GOALS
UMAASA ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na maaabot nila ang kanilang collection goals para sa taong 2023. Ito ang inihayag ng isang opisyal ng BOC sa isinagawang forum noong Sabado. “The BOC is optimistic that it will reach its collection goals for 2023 after logging a surplus of P17.68 billion in revenues as of November,” ani Atty. Marlon Agaceta, chief of staff ni Commissioner Bienvenido Rubio, sa isang News Forum noong Sabado. Mula Enero hanggang Nobyembre, ang BOC ay nakapagkolekta ng P813.65 bilyon. Ang BOC ay nagtakda ng…
Read MorePINOY UMAASA PA RING MAGIGING P20 PER KILO ANG BIGAS?
IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO SA kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa buong bansa, naniniwala pa rin ang karamihan sa mga Pilipino na matutupad ng gobyerno ang pangako na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Sa Pulso ng Pilipino 2023 Year Ender Report ng ISSUES & ADVOCACY CENTER mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 4, 2023, nasa 41% pa ang NANINIWALA, 34% ang HINDI NANINIWALA at 25% ang HINDI KO ALAM. Ang tinanong sa survey ay 1,200 katao na kumatawan sa 63 milyong…
Read MorePETISYON SA GRAFT CASE NI NAPOLES IBINASURA NG SC
IBINASURA ng Korte Suprema ang pinagsamang petisyon ng negosyanteng si Janet Lim Napoles at mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM). Naghain ng petition for certiorari si Napoles at mga opisyal ng DBM na kumukuwestiyon sa desisyon ng Ombudsman na may probable cause sa alegasyong sangkot sila sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, malversation at corruption of public officials sa ilalim ng Revised Penal Code. Sa sinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ng Supreme Court Second Division, ang paghahain ng impormasyon o kaso…
Read MoreHindi nagpapakita sa publiko ‘HEART ATTACK’ NI REMULLA USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA
ILANG araw nang pinag-uusapan ng mga netizen ang kumalat na balita sa social media na inatake sa puso si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaya hindi umano ito nagpapakita sa publiko. Agad namang pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang balita. Sa isang kalatas mula sa Kalihim, tinawag nitong fake news ang nasabing report at hindi rin umano siya dinala sa ospital. Sinabi rin ng Kalihim na maayos ang kanyang kalagayan. Lumutang ang balita nang may makapansin na ilang araw nang hindi pumapasok sa DOJ ang kalihim. Hindi rin ito…
Read MoreVENDOR BINITBIT SA ‘DOUBLE DEAD’ NA KARNE
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9296, Section 48 na inamyendahan ng RA 10536 (The Meat Inspection Code of the Philippines) at Republic Act 10611, Section 37 (Food Safety Act of 2013), ang isang 45-anyos na vendor sa Pedro Guevarra Street, Barangay 364, Blumentritt, Sta. Cruz, Manila dahil sa pagbebenta ng ‘double dead’ na karne noong Linggo ng gabi. Una rito, nagpasaklolo ang mga tauhan ng Veterinary Inspection Board ng Manila City Hall sa pangunguna ni Dennis Noble, 38, sa tanggapan ng District Intelligence Division 2, Special Mayor’ s…
Read MoreFRENCH PEDOPHILE TIKLO SA MAKATI
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang pedopilyang French national na wanted ng mga awtoridad sa Paris dahil sa pang-aabuso ng mga bata. Kinilala ng BI Fugitive Search Unit (FSU) ang dayuhan na si Theddy Douglas Tissier, 42, inaresto sa Chino Roces Avenue sa Makati City ng mga operatiba ng FSU. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, inaresto si Tissier sa bisa ng mission order na inisyu ng French government na siyang nagsabi na ang dayuhan ay nasa Pilipinas. “We are going to expel him…
Read More2 MOST WANTED PERSONS TIMBOG SA CAVITE
CAVITE – Arestado ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station ang itinuturing nilang rank top 9 most wanted person (MWP) provincial level, sa pinagtataguan nito sa Dasmariñas City. Kinilala ang suspek na si alyas “Xienna”, may kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Act of 2023. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Leonard Aries Paredes ng Dasmariñas City Police Station, ang Cabanatuan City Police Station ay nakipagkoordinasyon sa mga awtoridad sa Dasmariñas City Police, at isinilbi sa suspek ang warrant of arrest dakong alas-6:45 ng hapon noong Lunes sa Barangay…
Read MoreMANGYAN PATAY SA TRUCK
BATANGAS – Patay ang isang katutubong Mangyan nang maipit ng isang truck na sumalpok sa harap ng establisyementong kanyang tinutulugan sa Brgy. Taysan, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Dead on the spot ang biktimang si Bay-in Yun-im, 36, residente ng Bongabong, Oriental Mindoro. Ayon sa report ng San Jose Police, nangyari ang insidente mag-aalas-6:00 ng umaga, nang magkasabitan muna ang magkasalubong na dump truck at isa pang boom truck sa JP Laurel National Highway matapos na sakupin ng dump truck ang linya ng…
Read More