MISSING PIPER PLANE SA ISABELA NAKITA NA NG PHIL. AIR FORCE

KINUMPIRMA kahapon ni Philippine Air Force spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na natagpuan na ng kanilang search and rescue team ang nawawalang Piper Plane RPC 1234. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Air Force Commanding General Stephen P. Parreño, bandang alas-8:05 kahapon ng umaga ay natukoy ng kanilang mga tauhang sakay ng PAF Sokol helicopter na sadyang itinalaga para search and rescue efforts, ang nawawalang Piper Plane RPC 1234 sa bisinidad ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela. Subalit dahil sa sama ng panahon at makapal na hamog hindi…

Read More

3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP SA MCIA

NASAGIP ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang tatlong Pinay na pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking, ayon sa report na nakarating sa opisina ng ahensiyang ito. Ang tatlong Pinay na nagkunwaring mga turista, ay na-intercept nitong nakalipas na araw habang pasakay sa kanilang Royal Air flight papuntang Hong Kong. Ayon sa impormasyon, ang mga biktima ay iprinisenta ang kanilang sarili bilang mga turista para sa 4-day trip sa Hong Kong, ngunit kalaunan inamin ng mga ito na papunta sila sa Vietnam, kung…

Read More

SMNI SUSPENSION NILARGA SA KAMARA

PINASUSUSPINDE ng isang Davao solon ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa National Telecommunication Commission (NTC) dahil sa paglabag umano ng mga ito sa kanilang prangkisa na nagbabawal na magkalat ng kasinungalingan. “Pending the recommendation of the Committee on Legislative Franchises on the alleged violations of SMNI, it is the duty of the National Telecommunications Commission to immediately stop the deliberate dissemination of false information that may generate cynicism and mistrust on matters involving public interest,” ayon sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA Party-list Rep.…

Read More

Paskong TernoCon 2023 at SM Aura spotlights design icons Lesley Mobo and Joey Samson

Paskong TernoCon 2023 highlights the Philippine terno and barong Filipino, showcasing fashion bigwigs Lesley Mobo and Joey Samson on December 9 at SM Aura. In a first collaboration between SM Supermalls, Bench / lifestyle + clothing, and the Cultural Center of the Philippines (CCP), the highly anticipated TernoCon 2023 is set to redefine Philippine fashion with acclaimed fashion designers Lesley Mobo and Joey Samson. This year’s TernoCon is scheduled for December 9, 2023, at SM Aura, with the theme “Paskong TernoCon.” It is a unique celebration of Filipino heritage and…

Read More

CORRUPTION IBINUBUKO NG KALAMIDAD

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nangangamba na kapag dumating ang kinatatakutang “The Big One” sa National Capital Region (NCR) ay 48,000 ang magiging casualties at $48 billion ang masisirang mga ari-arian at imprastraktura. Maaaring lalo na sa imprastraktura dahil animin na natin, maraming kabalbalan ang ginagawa sa mga proyektong imprastraktura, hindi lang sa national level, kundi maging sa mga local level ay malala. Ang tagal na nating naririnig na may mga congressman ang nanghihingi ng komisyon sa bawat proyektong inuuwi nila sa kanilang distrito at mga senador na naglalagay…

Read More

ICE ROOM SA BI JAIL, P50K A MONTH

BISTADOR ni RUDY SIM HINDI lamang sa Bilibid at mga kulungan sa bansa nangyayari ang VIP treatment at raket ng jail guards sa mayayamang inmates na kinakalakal sa maganda at komportableng kulungan. Ito ang natanggap nating impormasyon kaugnay sa mga nararanasan umano ng mga dayuhang nakakulong sa piitan ng Bureau of Immigration na nasa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, kung saan ang mga pobreng dayuhan na walang kakayahan na magbayad ay parang isang baboy na nakakulong sa mainit at mabahong selda. Mula umano sa 9 na kuwarto na…

Read More

BAKIT NGAYON LANG?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA tinagal-tagal ng panahon nakapag-desisyon din sa wakas ang Commission on Elections (Comelec) para sa diskwalipikasyon ng Smartmatic mula sa procurement biddings. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang batayan para sa diskwalipikasyon ng Smartmaatic ay ang umano’y scheme ng panunuhol sa pagitan ng Smartmatic at ni dating Comelec Chairman Bautista na nakapaloob sa supplementing documents sa petisyon na tinugunan ng komisyon. Sinabi ni Garcia, sa isang press conference, ang election body ay nanindigan sa kanilang desisyon na idiskwalipika ang Smartmatic. “It was a very…

Read More

3 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTOR SA CAVITE

CAVITE – Patay ang tatlo katao sa tatlong aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Victoriano”, 60, construction worker; alyas “Wilson”, at alyas “John”. Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang mangyari ang isang insidente sa Saloysuy City Land Road, Purok 7, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City. Minamaneho ni alyas “Dio” ang kanyang motorsiklo na Suzuki Raider at naka-angkas si alyas “Victoriano”, habang motorsiklong Honda TMX ang minamaneho ni alyas “Delfin” at…

Read More

3 CONTRACTUAL WORKERS TIMBOG SA QUALIFIED THEFT

CAVITE – Arestado ang tatlong contractual workers nang ipuslit ng mga ito ang tinatayang mahigit sa P11,000 halaga ng mga gamit ng kumpanya sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Nahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek na sina alyas “Rey”, “Ruel” at “Liza” dahil sa reklamo ni Marvin Munar. Ayon sa ulat, palabas ng gate ng planta sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City ang mga suspek na pawang maintenance crew, sakay ng isang Isuzu pick-up na may plakang UBZ 703, dakong alas-7:45 ng gabi. Ngunit nang…

Read More