LAGUNA – Dead on the spot ang isang driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng tricycle sa harap ng isang mall sa Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Marlo Bautista Caguimbal dahil sa mga tama bala sa katawan. Ayon sa report ng Santa Rosa Police, dakong alas-8:00 ng gabi, nasa Gate 2 ng mall ang tricycle ng biktima nang harangin ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril. Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa…
Read MoreAuthor: admin 5
3 SUGATAN SA SUNOG SA PILA, LAGUNA
LAGUNA – Tatlo katao ang nasugatan sa sunog na tumupok sa ilang kabahayan at establisyemento sa isang residential area sa Barangay Sta. Clara Sur, sa bayan ng Pila, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa Pila Police, sumiklab ang sunog sa bahay ng dalawang pamilya, ang Umali at Gonzales family, at kumalat sa ilan pang kabahayan dakong alas-10:48 ng gabi. Nadamay rin sa sunog ang isang sofa bed factory. Agad nagtulong-tulong ang mga residente para sugpuin ang apoy. Ilang minuto pagkaraan ay nagresponde ang mga tauhan ng Pila…
Read MoreAPELA NG DND SA NCR: EARTHQUAKE DRILL SERYOSOHIN
INIHAYAG ng Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (Phivolcs), posibleng umabot sa 33,000 ang bilang ng masasawi at masasaktan sakaling sa Metro Manila tumama ang 7.4 na lindol na naganap kamakailan sa Surigao del Sur. Ito ang dahilan kaya nanawagan si Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa publiko na seryosohin ang isinagawang earthquake drills kasunod ng naganap na paglindol sa Sarangani at Surigao del Sur. Hindi rin inaalis ng mga eksperto na magkakaroon ng magkasunod o magkasabay na malakas na paglindol sa Pilipinas dahil sa rami ng active fault lines.…
Read MoreRESULTA NG 2023 BAR EXAM ILALABAS NGAYON
INILABAS na ng Korte Suprema ang official QR code para sa livestream ng mga mag-aabang sa resulta ng 2023 Bar Exams ngayong Martes, Disyembre 5. Ayon sa Korte, ilalabas din ang listahan ng resulta sa kanilang official social media accounts para sa mga hindi makapupunta sa courtyard ng Supreme Court sa Maynila para personal na saksihan ang paglalabas ng resulta. Pinaalalahanan naman ang mga pupunta sa Supreme Court kaugnay ng mahigpit na seguridad at patakaran na ipatutupad. Pinapayuhan ang mga pupunta na magsuot ng disenteng damit at magsuot ng face…
Read MoreACORDA EXTENDED BILANG PNP CHIEF
IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa police force simula ng italaga noong Abril ngayong taon. “I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” ang nakasaad sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos na naka-addressed kay Acorda. Ipinaalam din kay Department of Interior and…
Read MorePosibleng sumablay MULING PAGSALI SA ICC DAPAT ARALING MABUTI NI BBM
SUPORTADO ni Senador Chiz Escudero ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pag-aralan munang mabuti ang panukalang muli nang sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court. Sinabi ni Escudero na kailangang timbangin ang bawat desisyon ng gobyerno lalo pa’t may mga tratado na anya tayong pinasok na tayo rin sa bandang huli ang nagbabayad at nagdurusa. Inihalimbawa ng senador ang Paris-based Financial Action Task Force (FATF), na isang intergovernmental organization na binuo noong 1989 upang buuin ang mga polisiya laban sa money laundering. Kinalabasan anya ay naba-blacklist ang bansa…
Read MoreDAYUHANG SABIT SA DROGA BITAYIN
PANAHON na para buhayin ang parusang kamatayan sa bansa upang hindi lang ang mga Pilipino ang nabibitay sa ibang bansa kundi ang mga dayuhang nagdadala ng illegal na droga sa bansa. Ito ang iginiit ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers matapos bitayin ng China ang dalawang Filipino drug couriers kamakalawa. “Our kababayans convicted in foreign lands for drug trafficking are almost always executed while we extend kid gloves treatment if not VIP treatment to foreigners especially Chinese nationals who are apprehended and convicted of the…
Read MoreSolon ‘di kuntento sa disqualification SMARTMATIC KASUHAN DIN
HINDI lang diskwalipikasyon ang dapat isampal ng Commission on Elections (Comelec) sa Smartmatic Philippines Inc. kundi kasuhan ito sa pagmamanipula ng eleksyon sa bansa. Ito ang iginiit ni ACT party-list Rep. France Castro matapos magpasya ang komisyon na diskwalipika ang nasabing kumpanya sa pagsali sa bidding para sa 2025 elections upang ipreserba ang integridad ng mga susunod na halalan. “It is a good development considering the numerous issues raised against it,” ani Castro subalit hindi aniya dapat dito magtatapos ang lahat dahil kailangang imbestigahan at kasuhan ang Smartmatic upang panagutin…
Read MoreHERBOSA MAGIGISA SA CA DAHIL SA IT SA DOH!
INAASAHANG muling gigisahin ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Health Secretary Ted Herbosa na isasalang ngayong Martes ng umaga, Disyembre 5. Si Herbosa ay nauna nang na-bypassed ng CA noong nakalipas na Setyembre dahil sa kabi-kabilang isyu ng anomalya noong nanunungkulan pa ito bilang undersecretary ng DOH. Sa pagkakataong ito, panibagong isyu ang bumabalot ngayon sa liderato ni Herbosa matapos lumabas ang ulat na plano nitong kopoin ang buong IT provider ng DOH, gayundin ang mga attached agencies nito. Ang ipapalit na IT ni Herbosa, ayon sa report, ay…
Read More