ISASALANG na sa imbestigasyon ang Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa pagkakalat umano ng fake news na posibleng maging dahilan para bawiin ang kanilang prangkisa. Sa mosyon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sisimulan na umano ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang imbestigasyon sa SMNI. Ginawa ni Adiong ang mosyon sa kanyang interpelasyon sa privilege speech ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez kaugnay ng alegasyon umano ng SMNI na may P1.8 billion travel funds si House Speaker Martin Romualdez.…
Read MoreAuthor: admin 5
PURO DRAWING PA LANG ANG INVESTMENTS
DPA ni BERNARD TAGUINOD NAWALA na ako sa pagbibilang kung magkano na ang ipinangakong investment ng mga negosyante sa mga bansang binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa rami ng biyaheng ginawa niya. Pero noong Pebrero 2023, nalaman ko mula kay Pareng Google na sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na umaabot sa P3.48 trillion ang naiuwing investment pledge ni Marcos sa kanyang mga biyahe na sinimulan niya noong September 4, 2023 o wala pang dalawang buwan mula nang manumpa ito bilang Pangulo…
Read MorePINOY MAY PALABRA DE HONOR PA BA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NANANATILI pa rin ba sa mga Pilipino ang tinatawag na palabra de honor? Ang Pinoy na may palabra de honor ay may isang salita, at para masabing may palabra de honor ka, kailangang kung ano ang sinabi mo ay panindigan at sundin mo ito. Tulad na lang halimbawa nag-usap kayo ng iyong kaibigan na magkikita kayo kinabukasan tapos hindi mo sinunod ang inyong napag-usapan at wala ka man pasabi kung tutuloy ka o hindi, lumalabas na wala kang palabra de honor. Lumalabas din na hindi…
Read MorePUGANTENG KANO, TURKISH HINARANG SA NAIA
HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang convicted American sex offender, at Turkish national fraudster. Kinilala ang mga suspek na sina Michael David Steinborn, 57, American national, at Amos Awasthi, 48-anyos, Turkish national. Ayon sa impormasyon, dumating si Steinborn noong Nobyembre 26, sakay ng United Airlines flight galing San Francisco, at si Awasthi ay dumating noong Nobyembre 27, sakay ng Emirates Airlines mula sa United Arab Emirates. Si Steinborn ay nakulong noong 1994 sa Kissimmee, Florida dahil sa indecent exposure…
Read MoreTROPA NG SUGAROL, NAHULIHAN NG DROGA
CAVITE – Nabuking ang itinatagong halos P100,000 halaga ng umano’y shabu nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kontra illegal gambling sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jay”, “John” at “Marvin’, pawang mga residente ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Tanza Municipal Police Station hinggil sa nagaganap na sugalan sa larong tong-its sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Agad ikinasa ang operasyon kung saan naaktuhan…
Read More1 PATAY, 8 SUGATAN SA RAMBOL NG VAN, MOTOR AT TANKER
DAVAO DEL SUR – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang walo pang biktima matapos magkarambola ang isang pampasaherong van, motorsiklo at oil tanker sa national highway sa Digos City sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Ayon sa report ng Digos City Police, nangyari ang insidente sa harap ng Davao Del Sur Provincial Coliseum sa Barangay Matti dakong alas-11:45 ng umaga. Magkasunod na tumatakbo ang oil tanker at van sa Davao-Cotabato highway nang tangkaing mag-overtake ng van subalit sumabit ito sa tanker kaya nawalan ito ng kontrol at…
Read MoreSEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA, PLANTSADO NA
TINIYAK ng pamunuan ng Manila Police District, handang-handa na ang buong puwersa ng pulisya sa darating na Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nakaalerto na ang station commanders mula sa Station 1 hanggang sa Station 14 upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Partikular na tinukoy ang lugar ng Binondo at Tondo sa Divisoria na daragsain ng mga mamimili para sa mga pamasko ng kani-kanilang mga anak at inaanak. Inatasan na hinggil dito sina Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander ng…
Read MoreTAMANG SWELDO, BENEPISYO DAPAT MATANGGAP NG WORKERS – NOGRALES
IKINATUWA ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pang-arangkada ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo sa mga manggagawa. Ayon kay Nograles, sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, umarangkada na sa Committee on Labor and Employment ang sumusunod na mga panukalang batas na naglalayong magbigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo para sa mga kapos-palad na manggagawa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng HB 4752: Mandating employers to provide a personal finance education program, amending P.D. No. 442, otherwise known as the Labor Code of…
Read MoreICC PWEDENG MAG-IMBESTIGA SA DUTERTE WAR ON DRUGS
MAAARING magsagawa ng imbestigasyon ang mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa bansa kaugnay ng madugong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang kinumpirma ni Solicitor General Meynard Guevarra sa isinagawang joint hearing ng House committee on justice at committee on human rights nitong Miyerkoles. Ayon kay Guevarra, makakapagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng ICC subalit nananatili umanong hindi makikipagtulungan dito ang mga ahensya ng gobyerno dahil umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute. “We will not cooperate, but ICC investigators are free to…
Read More