MULING itinakda ng Supreme Court ang oral argument kaugnay sa petisyon ng Duterte party-list group na huwag payagan makaupo sa Kongreso si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng isang party-list. Sa abiso ng Korte Suprema, isasagawa ang pangalawang oral argument sa bukas, November 28, alas-2 ng hapon. Magugunitang kinuwestiyon ng Duty to Energize the Republic Through the Enlightenment of the Youth o Duterte Youth party-list ang Comelec kung bakit pinayagan si Guanzon bilang substitute nominee para sa (P3PWD) Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities. Iginiit nito…
Read MoreAuthor: admin 5
‘ILLEGAL RECRUITER’ NATUNTON SA CORRECTIONAL
MAKARAAN ang halos walong taon, sinilbihan ng warrant of arrest ang isang 52-anyos na ginang sa kasong illegal recruitment, makaraang matunton sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City noong Biyernes ng hapon. Sa pakikipag-ugnayan ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, sa pamunuan ng jail, isinilbi ni Police Chief Master Sergeant Arnel Santos ang warrant of arrest sa suspek na kinilalang si alyas “Jessica”, residente ng Parañaque City. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang alas-3:30 ng hapon nang isilbi sa suspek ang warrant of…
Read MoreSENADOR GINAMIT SA PANGINGIKIL, 4 KALABOSO
APAT na indibidwal ang isinadlak sa likod ng rehas na bakal ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang madakip sa pangingikil umano ng pera gamit ang opisina ni Senador Win Gatchalian, sa Pasay City. Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina alyas “David Luis Tan”, “Engineer Maderazo”, “Dina Bartolome”, at “Ma. Luisa”, pawang mga residente ng Pasay City. Base sa ulat ng Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD), may kinalaman umano sa reclamation project ang kinasangkutang pangingikil ng mga suspek sa lungsod…
Read MoreFind Out Why This New Local Liquid Blush Gives You “Unlimited” Possibilities!
Liquid blushes may have been popularized by celebrity beauty brands like Rare Beauty, but that doesn’t stop local brands from innovating and producing comparable dupes! Take this newest release from Ever Bilena! Ever Bilena’s newest Pillow Pop Liquid Blush is so phat, literally and figuratively! Housed in the chunkiest component and doe-foot applicator you’ve ever seen; it contains a whopping 15ml of product and at only Php 275. It’s basically an unlimited amount for the kind of pigment it delivers with just one dot! Apply it on your lids or…
Read More4 BATA PATAY SA SALPOK NG TRUCK SA KOLONG-KOLONG
PAMPANGA – Patay ang apat na batang magkakapatid makaraang salpukin ng isang truck ang sinasakyan nilang kolong-kolong sa Porac-Angeles Road, sa Brgy. Manibaug Pasig, sa bayan ng Porac, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Porac Municipal Police Station, pasado alas-10:00 ng gabi nang mabangga ng kasunod nilang forward truck ang kolong-kolong na sinasakyan ng mga biktima at minamaneho ng kanilang ama. Pauwi sa kanilang bahay ang mga biktima nang mangyari ang insidente. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto ang kolong -kolong at patawid…
Read More2 HVIs SWAK SA SELDA, NASAMSAM P410K DROGA
LUCENA CITY – Swak sa selda ang dalawang high value individuals (HVIs) drug personalities matapos makumpiskahan ng mahigit sa P400,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Brgy. Ibabang Iyam, sa lungsod na ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Adong”, 38, residente ng Brgy. 8, at alyas “Kevin”, 20 residente ng Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City, kapwa nakatala bilang HVIs sa PNP drug watch list. Isinagawa ng mga tauhan ng Lucena City Police Station, kasama ang mga operatiba ng PDEA-4A Quezon, PIB/QPDEU,…
Read MoreUMBAGERONG MISTER ARESTADO
CAVITE – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang gawing punching bag ang kanyang misis sa gitna ng kanilang pagtatalo sa bayan ng Noveleta, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas “Chard” dahil sa reklamo ng kanyang misis na si alyas “Alma” ng Brgy. Sta. Rosa, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pambubugbog ng lalaki sa ginang sa kanilang bahay sa Brgy. Sta. Rosa 1, Noveleta, Cavite.…
Read MoreGRANADA, GRENADE LAUNCHER NAHUKAY SA SUBDIBISYON
CAVITE – Isang granada at isang grenade launcher ang nahukay sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Nasa kustodiya na ng Bacoor City Explosive Ordnance Division (EOD) ang nasabing natagpuang granada at grenade launcher. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon habang naghuhukay ng lupa ang mga trabahador ng Maynilad sa loob ng Clubhouse Town and Country West Subdivision sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, nang nahukay ng mga ito ang isang granada at dalawang grenade launcher. Agad namang ipinaalam ng mga trabahador kay Mark De Leon,…
Read MorePAGLAHOK MULI NG PILIPINAS SA ICC PINAG-AARALAN NG PAMAHALAAN – PBBM
PINAG-AARALAN umano ng pamahalaan ang posibilidad na muling lumahok ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ang pahayag ay ginawa ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos hingan ng reaksyon hinggil sa tatlong resolusyon na inihain ng anim na mambabatas sa Kamara, kung saan hinihikayat nila ang lahat ng sangay ng pamahalaan na payagan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga extra-judicial killings na naganap sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Pangulo, maraming posisyon na pinag-aaralan ang pamahalaan kaugnay rito. Maliban aniya sa pagbalik ng Pilipinas…
Read More