BAKA lalo lamang tumindi ang tensyon at malagay rin sa peligro ang buhay ng ilang sibilyan kaya tinutulan ng National Security Council (NSC) ang planong Christmas convoy sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal at iba pang katulad na aksyon. Ayon sa mensaheng inilabas ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea, sinabi nito na bagama’t suportado ng NSC ang adhikain at intensyon ng “Atin Ito” coalition na maghatid ng kasiyahan sa mga sundalo ngayong Kapaskuhan, hindi magiging maganda…
Read MoreAuthor: admin 5
CASA MUÑOZ RESORT
Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO TALAGANG nauuso ang tinatawag na ‘staycation’ sa mga madidiskarteng gustong magnegosyo katulad ni Mang Armando Muñoz na dating caretaker sa loob ng 70 taon, sa napakalaking lupain sa Tiaong, Quezon. Pero dumating na sa punto na gusto na ng may-ari na ibenta ang lupain at isa si Mang Armando sa priority niyang makabili dahil alam ng may- ari na hindi mapababayaan ang lupang may halaga sa kanilang pamilya, dahil mula’t sapul itinuring ng sariling pag-aari ito ni Mang Armando. Ngayon nga ay nabili na ni…
Read MoreANG KATOTOHANAN SA PAG-ALIS NI RAMON TULFO SA 1NATURALEZA AT RTT CARGO
RAPIDO ni PATRICK TULFO NITONG Martes ng tanghali lang ay kausap ko ang aking ama na si Ramon Tulfo Jr., ang dating CEO ng networking na 1Naturaleza na pag-aari ni Maribel Galindez. Si Maribel Galindez ay isang networker mula sa Powerhomes at ito ngang 1Naturaleza, ay kanyang itinatag maraming taon na ang nakararaan. Sa basbas na ibinigay sa akin ng aking ama, ilabas ko na raw ang tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa mga kumpanya ni Galindez kung saan siya ay inilagay bilang CEO o bilang mukha ng kanilang…
Read MorePAGPAPALAWIG NG TERMINO NG BSK OFF’LS ISINULONG NI CONG. CORVERA
TARGET ni KA REX CAYANONG NAKABATAY sa pangangailangan ng mas mahaba at mas maayos na serbisyong pampubliko. Ito ang isinusulong ni Agusan del Norte 2nd District Representative Dale Corvera para sa pagsasaayos sa termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ilalim ng House Bill 9557. Ang pagtataas ng term limit mula sa kasalukuyang tatlong taon patungo sa limang taon, kasama ang dalawang sunod-sunod na termino, ay may layuning itigil ang patuloy na pagpapaliban sa BSK elections. Layunin din nito na bigyan ang mga opisyal ng Barangay…
Read More1 PATAY SA HEAD-ON COLLISION NG 2 TRIKE
CAVITE – Patay ang isang tricycle driver nang nabangga ng isa pang tricycle nang pumasok sa isang one-way direction naging dahilan ng ‘head-on collision’ sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Rio Almarion y Naldo, nasa hustong edad, ng Naic, Cavite. Kinilala naman ang driver ng isa pang tricycle na Honda TMX na may plate number na 0410-0461915, na si alyas “Raymundo”. Ayon sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng Naic…
Read MoreHUKAY NADISKUBRE SA PAWNSHOP, SUSPEK TIKLO
CAVITE – Arestado ng Cavite police ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan nito na pinaniniwalaang mga suspek sa paghuhukay ng butas papasok sa loob ng isang pawnshop sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Hawak na pulisya ang suspek na si alyas “Dandle” habang tinutugis pa ang dalawang kasamahan nito, dahil sa reklamo ni Jhovanie Morcilla ng Villarica Pawnshop. Ayon sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon nang mapansin ng empleyado ng Villarica Pawnshop sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite branch ang isang butas sa kanilang tanggapan. Agad nilang…
Read MoreDEATH TOLL SA JEEP NA NAHULOG SA BANGIN, UMAKYAT SA 3
QUEZON – Umakyat sa tatlo ang bilang ng mga namatay sa pagkahulog ng isang owner type jeep na sinasakyan ng 8 katutubong Dumagat at dalawang pastor na foreigner, sa bangin sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa Infanta Police, pumanaw sa ospital ang isa pang babaeng biktima na si Glenda America Capatasan, 39, isa ring katutubong Dumagat. Unang namatay ang dalawang biktima na sina Adelina America Peñamante at Adrian Mercado matapos na madaganan ng nahulog na sasakyan. Napag-alaman na…
Read MoreDNA SAMPLES SA SUV TUGMA SA MISSING BEAUTY QUEEN
MULING nagkaroon ng major development ang kaso ng nawawalang beauty queen sa Batangas na si Catherine Camilon. Ito ay matapos tumugma ang DNA samples na natagpuan sa abandonadong Honda CRV SUV, sa DNA samples na kinolekta mula sa mga kapamilya ni Camilon. Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., ang mga hibla ng buhok at bahid ng dugo na nakita sa inabandonang pulang CRV ay tugma sa DNA ng mga kapamilya ng biktima. Ayon kay Caramat, pagpapatunay ito na totoo ang sinasabi…
Read MoreRESIDENTE SA CATARMAN INILIKAS MULA SA BAHA
NAGSAGAWA ng rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Macagtas, Catarman, Northern Samar nitong Lunes ng umaga dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA). Ilang pamilya na ang matagumpay na nailikas mula sa apektadong lugar at na-relocate sa Catarman evacuation center. Agad kumilos ang Coast Guard District Eastern Visayas upang mabigyan ang mga pamilya ng kaukulang tulong at masiguro ang kanilang kapakanan. Ang rescue and evacuation operations ay nagpapatuloy pa rin habang ang mga emergency response team…
Read More