BOC-CEBU, JAPANESE CORP., NAGPULONG PARA SA IMPORTASYON NG UREA FERTILIZERS

PINAG-USAPAN sa pulong nina Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at ng mga kinatawan mula sa Itochu Corporation, Hankyu Hanshin Express Philippines Inc., at Hankyu Hanshin Logistics Philippines Inc. ang hinggil sa importasyon ng urea fertilizers sa courtesy visit ng mga ito noong Oktubre 27, 2023. Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Port of Cebu na sina District Collector Atty. Morales II; Deputy Collector for Assessment Mr. Conrado M. Abarintos, at Acting Chief for Law and Bonds…

Read More

15 40-FOOTER CONTAINER VANS NG GULAY NASABAT SA BOC-SUBIC

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC-Subic) ang labing-limang 40-footer container vans ng misdeclared agricultural products sa Subic kamakailan. Ayon sa natanggap na mapagkakatiwalaang impormasyon, ang Port of Subic ay nag-isyu ng walong Pre-Lodgment Control Orders at dalawang Alert Orders laban sa kabuuang labing-limang 40-footer container van shipments na umano’y naglalaman ng frozen lobster balls at frozen Surimi crab. Gayunpaman, sa isinagawang 100% physical examination sa nasabing inalertong shipments, natagpuan ang iba’t ibang fresh vegetables na kinabi­bilangan ng potatoes, carrots, at broccoli. Ang nasabat…

Read More

DRIVER HINAHANTING SA HIT AND RUN

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng isang pulang Mitsubishi Garage na may plakang NBW-5557, matapos layasan ang isang babae na kanyang nasagasaan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marian Kreitia Ysabelle Ortiz Lacson, nasa hustong edad, nilalapatan ng lunas sa San Pedro Calungsod Hospital. Nakipag-ugnayan naman ang Kawit Police sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng nagmamaneho ng nasabing sasakyan. Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, habang tumatawid ang biktima sa Kalayaan Road, Brgy. Magdalo-Potol, Kawit,…

Read More

DRUG GROUP LEADER, PATAY SA ENCOUNTER

LUCENA – Patay ang lider umano ng drug group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa firearm buy-bust operation ng mga awtoridad sa Maharlika highway, Brgy. Ibabang Iyam sa lungsod na ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang napatay na si Armando Tagle Armiendo, 47, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City. Ayon sa Quezon Police Provincial Office, dakong alas-11:45 ng umaga nang isagawa ng intelligence operatives ng Lucena City Police Station ang firearm buy-bust subalit natunugan ng suspek na mga pulis ang ka-deal kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon. Nagkaroon…

Read More

CHICKEN COOKING MACHINE SUMABOG, OPERATOR PATAY

QUEZON – Patay ang isang operator nang masabugan ng cooking machine na kanyang kinukumpuni sa isang chicken processing center sa Barangay Lagalag, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ranier Caraan, 31, ng nasabing lugar. Ayon sa report, inaayos ng biktima ang hindi gumaganang chicken cooking machine sa Johannas Chicken Processing Center nang bigla itong sumabog. Tinamaan ang biktima ng nagtalsikang mga bahagi ng makina naging dahilan ng grabeng pinsala sa kanyang ulo at katawan. Isinugod ng mga kaanak at ng staff…

Read More

TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY HIRIT SA P500-B MIF FUND

LALONG nanganganib ang P500 billion na magiging pondo ng Maharlika Investment Fund (MIF) dahil sa pinalawig na kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kawalan ng responsibilidad ng mga taong itatalaga niya na mamahala sa nasabing pondo ng bayan. Ito ang kinatatakutan ni House deputy minority leader France Castro kaugnay ng bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF law kung saan binigyan ng kapangyarihan si Marcos na pumili ng mga magiging board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC). Ayon sa mambabatas, patunay lamang ang bagong probisyong ito…

Read More

PNP NAALARMA SA DUMARAMING KASO NG KIDNAP SLAYING

LUBHA na umanong nakaaalarma ang dumaraming bilang ng mga kaso ng pagdukot, kidnap for ransom at pagpatay sa Chinese nationals sa bansa na pawang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na sinasabing dinukot at ipinatutubos ng mga kapwa nila Chinese. Nitong nakalipas na linggo, tatlong Chinese national na pawang POGO workers, ang na-rescue sa Meycauayan, Bulacan. Kasunod nito ang ulat na isang babae at isang lalaki na pinaniniwalaang Chinese nationals, ang pinatay at itinapon sa isang construction sites sa Laguna. Ayon sa ulat, dalawang bangkay ng hinihinalang mga biktima ng…

Read More

UNITEAM WASAK KAY ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SI House Speaker Martin Romualdez ang itinuturong lumikha ng lamat na nagdulot ng pagkawasak ng UniTeam. Ito ay matapos pagkasunduan sa mababang kapulungan na alisan ng confidential funds si Vice President Sara Duterte. “Tingin natin yung uniteam ay meron nang lamat dahil sa position sa iba’t ibang isyu lalo na itong confidential funds,” ani House deputy minority leader France Castro. Magugunita na nagdesisyon ang liderato ng Kamara na sinuportahan ng iba’t ibang political party sa kapulungan ang paglipat sa P1.23 billion confidential funds sa Philippine Coast…

Read More

BAN TIKTOK NAMUMURO

MALAKI ang posibilidad na ikasa ang nationwide ban sa social media platform TikTok kapag napatunayan na nakaugnay ito sa cyber espionage. Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na kasalukuyan na nilang tinututukan at nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa bagay na ito bilang tugon na rin sa utos ni National Security adviser Eduardo Año. Sa katunayan, tinitimbang nilang mabuti ang potensiyal na banta na bitbit ng social media application sa national security ng bansa. “Iyong mga apps na ganyan may mga features na pwedeng gamitin para…

Read More