MAS MALIWANAG NA TONDO HATID NG ONE MERALCO FOUNDATION

Nakipagtulungan ang One Meralco Foundation, na pinangungunahan ni Manuel V. Pangilinan, at ang lokal na pamahalaan ng Maynila para maghatid ng liwanag sa mga kalsada ng Moriones sa Tondo, Maynila sa pamamagitan ng bagong streetlights.

Para makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa lugar, nagbigay ang OMF ng 24 na poste, habang ang Meralco naman ang mangangasiwa sa installation at energization ng mga poste.

Saklaw ng proyekto ang mga kalsada mula sa Road 10 at Sta. Maria, Moriones, kaya nasa 12 barangay sa Tondo ang makikinabang din sa bagong streetlights.

Pinasinayaan ni Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza at OMF President Jeffrey Tarayao kasama ang Meralco España at Tutuban Business Center, Meralco Manila Sector, Meralco Manila Logistics, City Engineer, Engr. Arman Andres at City Electrician, Engr. Randy Sadac ang naturang pagpapailaw ng mga kalsada.

Katuwang ng pamahalaan ang Meralco, sa pamamagitan ng OMF sa pagsusumikap para mabigyan ng mas ligtas at maliwanag na kinabukasan ang mga Pilipino.

120

Related posts

Leave a Comment