NANALONG KAPITAN NAMAHAGI NG LUPA

CAMARINES SUR – Maagang pamasko ang inihandog ng isang incumbent at muling nanalong barangay chairman para sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. Camagong, sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito. Ito ay matapos mamahagi ang kapitan na si Ruben Bondad, ng isang ektaryang lupain para sa 70 pamilya sa kanyang nasasakupang barangay. Ayon kay Kapitan Bondad, tig-100 square meters ang mapupunta sa bawat pamilya mula sa kanyang farm lot na hinati-hati niya na tila isang subdivision. Mayroon din itong mga ‘right of way’ na may mga sukat na dalawang metrong…

Read More

HUSTISYA ABOT-KAMAY NA NI DE LIMA

MALAPIT nang makamit ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan. Ito ang paniniwala ng mga kaalyado ni De Lima sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos payagan ni Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Gener Gito na pansamantala itong makalaya sa pamamagitan ng bail na naghahalaga ng P300,000. “This is the essence of Senator Leila de Lima’s belated grant of bail which is a prelude to her exoneration in all of the three feigned drug charges against her,” ani Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman. Ayon sa mambabatas, halos…

Read More

GOBYERNO, BABALANGKAS NG IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA RESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL

KINUMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Ano na patuloy ang pagbalangkas nila ng iba’t ibang estratehiya para sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa panayam sa Senado bago ang budget deliberation, sinabi ni Ano na kasama sa kanilang bagong istratehiya ang paggamit ng BRP Melchora Aquino subalit hindi anya ito ang magiging regular nilang aksyon. Sinabi ni Ano na binigyang laya sila ng Pangulo na bumalangkas ng iba’t ibang mga estratehiya upang mapabilis at matiyak ang matagumpay na resupply mission. Kasabay nito, pinuri anya…

Read More

SEASONAL EMPLOYMENT HINDI DAPAT MAGSILBING BENCHMARK NG EMPLOYMENT RATE NG BANSA

IGINIIT ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi dapat gamiting benchmark ng employment rate ng bansa ang mga seasonal employment at sa halip ay isulong ang mas marami pang de kalidad na trabaho. Sinabi ng principal sponsor at author ng Trabaho Para sa Bayan Act, inaasahan na tataas ang hiring ngayong holiday season subalit hindi ito dapat maging dahilan upang tigilan ang pagbuo ng mga dagdag trabaho. Kasabay nito, muling iginiit ni Villanueva ang agarang pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations para sa Trabaho para sa bayan act upang…

Read More

P1.6-M ECSTASY NASABAT SA NAIA

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang inbound express cargo na naglalaman ng dangerous drug, tinatayang aabot sa P1.6 milyon ang halaga. Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa, idineklara ang mga ito bilang vitamins supplements, baby wash at body wash, at itinago sa loob ng bagahe. Nadiskubre ang mga ito matapos ipadaan ang bagahe sa 100 percent physical examinations. Nakita sa loob ng bagahe ng suspek ang 995 piraso ng tableta ng methylenedioxymethampheta o kilala sa tawag na ecstasy.…

Read More

PEDERASYON NG MGA KABATAAN SA QC, BAKIT NAKIKIALAM ANG MATATANDA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang nag-aakala na kapag nahalal na ang kabataan bilang SK chairman ay sa kanyang trabaho bilang miyembro ng konseho ng barangay at lider ng kabataan na ang kanyang atensyon. May tensyon pa pala, na mainit pa sa naramdamang pagkabahala at balisa noong kumakandidato pa lang sila para maging SK chairman. Mas matensyon kasi ang pagpili ng presidente ng pederasyon na siyang kakatawan sa mga barangay at SK sa konseho. Tulad daw sa Quezon City, may brasuhan at barakuhan na sa pagpili ng susunod na presidente…

Read More

Kahalagahan ng suporta sa sektor ng edukasyon

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PARA sa maraming Pilipinong pamilya, sinisikap ng mga magulang na mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Patunay ito sa pagpapahalaga sa maayos at mataas na kalidad ng edukasyon, kahit ano pa man ang estado sa buhay. Malaki kasi ang tulong na mayroong diploma o natapos na degree para makakuha ng maayos na trabaho sa Pilipinas. Sa ngayon, nagiging usapin na rin ang mga pagbabagong makatutulong para mas mapaganda ang programang K-12 sa Pilipinas. Sinimulang ipatupad ito noong 2012, kung saan nadagdagan ng dalawang taon…

Read More

TAGUMPAY NINA CONG. OLIVAREZ, CONG. AMBEN AT KAP. CONSIGO

TARGET ni KA REX CAYANONG LUBOS ang pasasalamat ni Parañaque City Congressman “Kuya” Edwin Olivarez dahil sa tagumpay na kanyang nakamit. Aba’y sa katatapos lang na “Boses ng Bayan” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), nasungkit nila ang ika-5 na puwesto na may mataas na 85.7% Job Performance Rating. Aniya, isang malaking karangalan na magsilbing tagapagtaguyod ng kanilang lugar bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Parañaque. Ang tagumpay na ito ay likas na nagmula sa pagtutulungan at dedikasyon ng bawat isa sa kanila. Hindi lang ito…

Read More

P13.752-M PUSLIT NA SIGARILYO NASAMSAM SA ZAMBOANGA CITY

UMABOT sa P13.752 mil­yong halaga ng puslit na imported na mga sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga, sa tulong ng Philippine National Police’s (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne”, sa karagatan ng Maasin, Zamboanga City, noong Nobyembre 6, 2023. Isang composite team ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD), at PNP Seaborne Company ang nagpahinto sa isang motorized wooden watercraft na may tatak na “Lautanmas 3”, na may halagang P150,000, sa isinagawang maritime patrol…

Read More