SA halip ilantad ang bawat sentimong pinaglaanan ng kanilang pondo, partikular ang taon-taong maintenance and other operating expenses (MOOE), kanya-kanyang drama ang mga mambabatas sa Kamara. Ganito ang obserbasyon ng mga netizen matapos magsalita si House Speaker Martin Romualdez sa pagbabalik ng regular sesyon nitong Lunes. Ani Romualdez, nakahanda siyang harapin at depensahan ang desisyon at aksyon ng mababang kapulungan sa harap ng mga isyu at pagbabanta sa integridad nito. Ilan sa mga reaksyon ng netizens ay: “They’ve resorted to answering the public by making melodramatic propaganda rather than being…
Read MoreAuthor: admin 5
SENIOR MINARTILYO NG PAMANGKIN
CAVITE – Patay makaraang martilyuhin sa noo ang isang 71-anyos na senior citizen ng kanyang pamangkin nang magtalo ang mga ito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Ronie Belarmino, caretaker, ng Brgy. Marahan 1, Alfonso, Cavite, namatay sa pinangyarihan ng insidente. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Leonard,” 39, isa ring caretaker, ng Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Roger Ramento ng Alfonso Police Station, dakong alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Pier Ilaya,…
Read MoreLALAKING GURO PINATAY NG ESTUDYANTE?
LEYTE – Patay ang isang lalaking guro makaraang pagsasaksakin sa loob mismo ng kanyang pinagtuturuang Baybay National High School sa Baybay City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Pee Jay Gonzaga Montero, 29, ng Barangay San Isidro, at MAPEH teacher sa nasabing eskwelahan. Ayon sa Baybay Police, natagpuan ang duguang katawan nito malapit sa tangke ng tubig, ilang metro lamang ang layo naman mula sa kanyang opisina. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sa loob ng tanggapan sinimulang atakehin ng suspek ang biktima dahil may mga…
Read MoreSERBIDORA TIMBOG SA ESTAFA
NABUSLO sa selda ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, ang isang 45-anyos na serbidora dahil sa kasong 31 counts ng estafa, makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest sa bahay nito sa Sta. Ana, Manila noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Captain Jay Michael Querubin, ng Intelligence and Warrant Section, kay Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, station commander, bandang 3:00 ng hapon nang isilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding…
Read MoreTRUCK DRIVER NIRATRAT NG BALA SA TAGAYAN
PALAISIPAN sa mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa isang 53-anyos na truck driver habang nasa umpukan ng inuman sa bahay ng biktima sa Barangay 105,Tondo, Manila noong Lunes ng gabi. Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Gabriel Escorial, may live-in partner, at residente ng nabanggit na lugar. Base sa ulat ni Det. Boy Nino Baladjay ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-6:00 ng gabi nang pasukin ang bahay ng biktima ng isang hindi pa kilalang gunman Ayon sa imbestigasyon ni Det. Baladjay, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang…
Read MoreHUMAN TRAFFICKING VICTIM NASAGIP SA NAIA
NASAGIP ng mga tauhan ng Immigration Protection and Enforcement Section (I-PROBES) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking, ayon sa report na nakarating sa opisina ng ahensiyang ito. Sa initial interview kay “Nina”, hindi tunay na pangalan, magbabakasyon siya ng tatlo hanggang apat na araw sa Hong Kong at Macau. Ngunit pagdating sa secondary inspection, inamin nito na pagkatapos niya sa dalawang bansa ay tutungo siya sa United Arab Emirates (UAE), at magtatrabaho bilang household service worker (HSW).…
Read More2 PANG BANGKAY, ITINAPON SA BANGIN SA MARILAQUE
QUEZON – Dalawa pang bangkay ang nadiskubre sa ilalim ng bangin sa Marilaque Highway sakop ng Sitio Tigkay, Brgy. Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali. Ayon sa Infanta police, ini-report ng mga barangay official ang pagkakatuklas sa dalawang hindi pa kilalang mga biktima na nakita sa nasa 20 metrong lalim ng bangin sa gilid ng Marilaque Road. Nasa state of decomposition na ang mga ito. Ang mga ito ang ikaapat na bangkay na nakita sa bangin sa kahabaan ng Marilaque Highway sa loob ng…
Read MoreCOC FILING SA NEGROS ORIENTAL PINALAWIG NG COMELEC
PINALAWIG pa Commission on Elections (Comelec) hanggang Nobyembre 11 ang panahon sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa congressional seat na kumakatawan sa 3rd District ng Negros Oriental, ang posisyon kung saan pinatalsik si Arnie Teves noong Agosto. Unang itinakda ang COC period noong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 8 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon pero dahil walang nag-file sa unang araw, pinalawig ito ng Comelec para mabigyan ng mas mahabang panahon ang aspiring candidates. Si Teves ay pinatalsik sa puwesto dahil sa ‘disorderly behavior’ at…
Read MoreMT. MAYON PATULOY SA PAGBUGA NG LAVA
INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Lunes, naobserbahan nila sa Mayon Volcano Observatory ang patuloy na mabagal na pagbuga ng lava mula sa summit crater. Mula Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 5 ng gabi, napansin sa Mayon Volcano Observatory ang incandescent pyroclastic density currents (PDCs) o “uson” na gumagalaw pababa sa kahabaan ng Miisi, Bonga, at Basud Gullies, ani Phivolcs. Sinabi pa ng Phivolcs, may kabuuang 84 rockfall events at 141 volcanic earthquakes ang naitala, 139 dito ay volcanic tremors na tumagal na isa hanggang limang minuto.…
Read More