CAVITE – Tinutugis ng Cavite Police ang suspek sa pagpatay sa isang lalaki na binaril habang namimitas ng saging sa banana plantation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang madiskubre ang biktimang si Robert Macaysa y Acdal, nasa hustong edad, ng Barangay Kua, GMA, Cavite dahil sa tama ng baril sa katawan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas makaraan ang pamamaril. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Bobbie Balazo ng GMA Police Station,…
Read MoreAuthor: admin 5
FOOD DELIVERY OWNER, BINARIL HABANG NAKA-LIVE SA FB
SOUTH COTABATO – Patay ang isang small business entrepreneur matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang bao-bao o toktok type tricycle sa national highway sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Eksaktong naka-live sa Facebook ang biktima habang bumibiyahe nang ito ay tambangan. Kinilala ng biktimang si Louie Manansala, 40, tubong Tupi, South Cotabato at may-ari ng isang food delivery business sa General Santos City. Base sa live video nito sa social media, nagsimula itong mag-live dakong alas-9:12 ng gabi habang tumatakbo…
Read MoreP100K IPINATONG SA ULO NG KILLER NI JUMALON
BUKOD sa alok na P100,000 para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek na responsable sa paglikida kay radio announcer Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” ng 94.7 Calamba Gold FM, nakikiusap din ang Philippine National Police (PNP) sa sinomang may nalalaman sa mga nasa likod ng krimen. Ayon kay PNP chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., tiyak na bibilis ang imbestigasyon ng pulisya at agad na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster kung makikiisa at tutulong ang publiko. Kaugnay nito, tinitiyak ng pinuno…
Read MoreMga ambulansya ng ICRC humingi ng proteksyon ILANG PINOY ‘DI PA RIN MAKALUSOT SA RAFAH
PATULOY na umano ang ginagawang pag-uusap ng iba’t ibang bansa para sa muling pagbubukas ng Rafah border kasunod ng pag-atake ng militanteng Hamas, para makalikas ang naipit na foreigners kabilang ang ilang Pilipino. Ayon sa ulat, muling naudlot sa ikalawang pagkakataon ang pagtawid ng foreigners kabilang na ang mga Pinoy, mula sa Gaza patungong Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel. Ayon sa report na ibinahagi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nasa 20 Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake…
Read MoreDAGDAG PROTEKSYON SA MGA MAMAMAHAYAG, IGINIIT
BINIGYANG-DIIN ni Senador Mark Villar ang pangangailangang dagdagan ang proteksyon sa mga Filipino journalist sa pamamagitan kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa Misamis Occidental. Isinusulong ni Villar ang Senate Bill 2335 o ang proposed Journalist Protection Act bilang pagkilala sa panganib sa buhay ng mga mamamahayag. Kasabay nito nagpahayag ng pakikiramay ang senador sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Juan Jumalon. Iginiit ni Villar na hindi dapat nararanasan ng ating mga kababayan ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.…
Read MoreTATAK PINOY ACT, LUSOT NA SA SENADO
INAPRUBAHAN na ng Senado sa third and final reading ang proposed Tatak Pinoy Strategy Act. Sa botong 23-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill 2426 o ang panukalang naglalayong itaas ang global competitiveness ng mga produkto ng pilipinas, lalo na ang mga gawa ng maliliit na negosyo. Nakasaad sa panukala na bibigyang prayoridad sa government procurement ang mga domestic products. Sakaling maisabatas, imamandato ang pagbuo ng konseho na siyang mangangasiwa sa mga inisyatibo ng gobyerno na tulungan ang mga lokal na negosyo para mabawasan ang pag-asa ng…
Read MorePAGLIPAT NG KAMARA SA CONFI FUNDS PINABORAN NG NAKARARAMI – OCTA
PABOR ang nakararaming Pilipino sa ginawa ng Kamara de Representantes na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa mga ahensya na may kaugnayan sa pagbibigay ng proteksyon sa bansa. Ito ang resulta ng survey na ginawa ng OCTA Research mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Ayon sa survey, 57 porsyento ang pabor sa ginawa ng Kongreso at 14 porsyento lamang ang tutol dito. Sa 57 porsyento na pumabor, pinakamarami ang nasa Luzon (75 porsyento), sinundan ng National Capital Region (65 porsyento), Visayas (46 porsyento) at Mindanao (24 porsyento).…
Read MoreCHR-DOLE MOA, PROTEKSYON SA WORKERS’ RIGHTS – NOGRALES
WELCOME sa chairman ng House Labor and Employment Committee ang isang memorandum of agreement na naghahanap ng mga paraan para pagyamanin ang pakikipagtulungan para sa promosyon at proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa. “The MOA between the Commission on Human Rights and Department of Labor and Employment is a welcome development in the government’s efforts to uphold workers’ rights. I hope that through this MOA we can make significant headway in ensuring that our workers are protected against abuse,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ang kasunduan ng…
Read MoreNBI pasok din sa imbestigasyon COMPOSITE SKETCH NG JUMALON SUSPECT, INILABAS NG PNP
KASUNOD ng utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukan at resolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay kay radio broadcaster Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental, nagpalabas na ang Philippine National police ng composite sketch ng isa sa mga suspek sa pamamaslang. Kinumpirma ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., may inilabas nang computerized sketch ang binuong Special Investigation task Group na siyang tumututok sa kaso ng pinaslang na radio broadcaster. “May (sketch na ng suspek). They (SITG) were able to review all…
Read More