LAGUNA – Patay ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos masagasaan ng ambulansya sa gasoline station sa National Highway, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Ayon sa Sta. Rosa City Police, ang biktima ay kasama ng kanyang pamilya at iba pang mga miyembro ng indigenous people na mga Badjao at namamahinga sa gasolinahan nang mangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon. Papasok sa gasolinahan ang ambulansya na pag-aari ng pamahalaang barangay ng Pulong Santa Cruz, Sta. Rosa City, nang biglang tumakbo ang bata papalapit…
Read MoreAuthor: admin 5
PAMILYA SA MOTORSIKLO BINANGGA NG VAN, 1 PATAY
CAVITE – Patay ang isang ginang habang sugatan ang mister nitong driver ng isang motorsiklo, at ang 8-anyos nilang anak na batang babae nang mabangga sila ng isang utility van sa Carmona City noong Sabado ng gabi. Pawang isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang driver ng motorsiklo na si alyas “Nathan”, 49, misis nitong si “Julie”, 47, at anak nilang si “Lyza”, 8, pawang mga residente ng Brgy. Biga 2, Silang, Cavite subalit namatay ang ginang. Kinilala naman ang driver ng isang utility van na may plakang NGK 4942,…
Read More3 INDIBIDWAL NASILO SA SUGAL
NADAKIP sa ikinasang anti-criminality operation ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, ang tatlong indibidwal na naaktuhan habang nagsusugal ng “dice”, kabilang ang isang armado ng pen gun, sa Crisolita Street, Barangay 767, San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng madaling araw. Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina “Sonny Boy”, 30; “James”, 20, at “Prince Dominic”, 23, pawang ng Sta. Ana, at Pandacan, Manila. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Virgilio Maboloc, kay Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, station commander, bandang 1:30…
Read MoreGUN RUNNER TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION
ARESTADO sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, ang isang 23-anyos na jobless matapos bentahan ng baril ang poseur buyer sa Mel Lopez Boulevard Barangay 105,Tondo, Manila, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Sherwin Cabalda, binata, residente ng Vitas Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang ala-1:00 na madaling araw nang madakip ang suspek sa ikinasang buy-bust sa naturang lugar sa pangunguna nina Police Captain Aldeen Legaspi, hepe ng Follow-Up Unit; Police…
Read More2 HOLDAPER NABITAG SA MAYNILA
DALAWANG hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga operatiba ng Manila Police District, kabilang ang isang sangkot sa pagpatay, sa ikinasang anti-criminality operation sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Unang naaresto ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, ang suspek na si Roberto Aquiño, 35, ng Tondo. Ayon kina Police Corporal Cristopher Escreza, kasama ang iba pang mga tauhan ng Smokey Police Community Precinct, sakop ng Station 1, bandang alas-3:00 ng hapon, inaresto ang suspek makaraang makumpiskahan ng pen gun na may…
Read MoreOCTOBER 2023 TARGET NALAGPASAN NG BOC
UMABOT ng halos P80 bilyong kabuuang kita ang natamo ng Bureau of Customs (BOC) na lagpas sa kanilang October 2023 target collection. Sa preliminary data, nabatid na ang BOC collections ay umabot ng P78.616 billion noong Oktubre, nakapagtala ng 1.4 porsyentong pagtaas o P1.084 billion na mas mataas sa kanilang collection target para sa nasabing buwan. Para sa ten-month period mula Enero hanggang Oktubre 2023, ang BOC revenues ay umabot ng P739 billion, na 2.4 porsyento o P17.287 billion na mas mataas sa kanilang P721.717 billion target collection para sa…
Read MoreBORDER SECURITY PINALAKAS NG BOC-CEBU, CIDG RFU 7
NAGSAGAWA ng makabuluhang hakbang patungo sa pagpapahusay ng pagtutulungan sina Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at P/Col. Marlon R. Santos, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit (RFU) 7, noong Oktubre 26, 2023. Ang nasabing pulong ay nakasentro sa pagpapalakas ng kanilang pagtutulungan at pagpapahusay ng kanilang border security measures. Layunin din nito ang pinalakas na pagtutulungan sa pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa pagsunod sa mga batas at regulasyon ng customs. Tinalakay…
Read MorePETROLEUM PRODUCTS IMPORTATIONS TINALAKAY NG BOC-SUBIC, PCSPC
BINISITA ng mga opisyal ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-Port of Subic) Assessment & Operations Division, ang Philippine Coastal Storage & Pipeline Corp (PCSPC) upang makalahok sa vital dialogue kaugnay sa mga operasyon ng PCSPC depot at mahalagang pag-unlad sa petroleum industry. Ang ocular visit ay isinagawa noong Oktubre 17, 2023 kasunod ng brief meeting na naging paksa ang comparative data ng petroleum products depot capacity for 2023 versus 2022, gayundin ang mga isyu at mga alalahanin na may kaugnayan sa petroleum products importations. Ang pagtalakay ay umikot sa…
Read MoreBOC WORKFORCE EMPOWERMENT ITINAMPOK SA WCO ASIA-PACIFIC NEWS
IKINATUWA ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio na lumabas sa isang publikasyon kamakailan, sa pamamagitan ng World Customs Organization (WCO), ang hinggil sa kanilang pangako sa pagpapaunlad ng propesyonalismo at kahusayan ng kanilang mga tauhan na nagresulta sa makabuluhang tagumpay sa pagpapadali ng kalakalan at pagganap ng customs. Sa 69th issue ng Asia/Pacific Customs News, pinuri si Commissioner Rubio sa ‘outstanding leadership’, na muling nagpasigla sa BOC workforce, na prayoridad ang employee development, at consistently driven enhancements sa pagtupad sa tungkulin. Ang mga pagsisikap na ito ay…
Read More