IRR NG MAHARLIKA FUND ISINAPINAL NA – PBBM

ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), ilang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito. “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Instagram. “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” dagdag na pahayag nito. Ang simula ng pagpapatakbo sa IRR ng IMF ay ipinalabas noong Agosto, subalit inanunsyo ni Pangulong Marcos ang suspensyon ng implementasyon nito “pending further study” noong Oktubre 18. Bago…

Read More

MARCOS PINATATANGGALAN NG INTELLIGENCE FUND

KASABAY ng pagtapyas at pagtatanggal ng confidential fund sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel na dapat alisan na ng intelligence fund ang Office of the President. Ang Office of the Vice President naman para kay Pimentel na hindi rin dapat makatanggap ng confidential fund. Sinabi ni Pimentel na mayroon nang mga ahensya ang gobyerno na nasa ilalim ng Office of the President na ang mandato ay mangalap ng intelligence information na magagamit ng Pangulo kaya’t hindi niya nakikita ang pangangailangan na magkaroon…

Read More

OLIGARCHS LANG MAKIKINABANG SA BAGONG DA SEC

WALANG ibang makikinabang sa bagong secretary ng Department of Agriculture (DA) kundi ang tulad nitong mga oligarch at hindi ang mga ordinaryong magsasaka na lalong nilugmok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kahirapan. Bukod dito, itinuturing ng Amihan National Federation of Peasant Women (Amihan) ang pag-aappoint ni Marcos kay Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., bilang ‘insulto’ sa mga magsasaka dahil isa umano itong oligarch. “Walang maaasahan sa bagong agriculture secretary dahil hindi nito pakikinggan ang mga magsasaka at mangingisda na solusyunan ang krisis sa pagkain at agrikultura batay sa interes…

Read More

KRIMINALIDAD NAMAMAYAGPAG SA MARCOS ADMIN

(BERNARD TAGUINOD) PATULOY na namamayagpag ang mga kriminal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Reaksyon ito ng dating journalist at Congressman Carlos Zarate kasunod ng pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon a.k.a “DJ Johnny Walker” habang nasa ere ito noong linggo ng madaling araw. “The brazen assassination today of Radio Broadcaster Juan Jumalon a.k.a DJ Johnny Walker is emblematic of impunity still running amuck in our country today,” ani Zarate. Base sa mga video na kumalat sa social media, habang nagbo-broadcast si Jumalon sa kanyang…

Read More

Carols on Ice

Music Through the Years Spread holiday cheer with Carols On Ice now on its second year at the SM Skating Mall of Asia on November 12. Organized by the Philippine Skating Union (PHSU) in partnership with SM Skating, this event aims to raise funds to support skating in the country and foster a deeper appreciation for ice skating by creating an avenue for young athletes to contribute to the sport’s growth and development. Embracing this year’s theme “Music Through the Years”, get ready to be wowed from the artistry of…

Read More

PAGIGING MABUTI AT MAUNAWAIN SA KAPWA

THINKING ALOUD ni CALIRE FELICIANO KILALA ang mga Pilipino bilang magiliw, masayahin, at mga taong kayang humanap ng positibo sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Kahit may unos o may problema, nagagawa pa rin nating ngumiti at makisama nang maayos sa ating kapwa. Sa social media, talamak din ang mga larawan at mga istorya kung saan ipinamamalas ng mga Pilipino ang tinatawag na optimism at katatagan o resilience. Kung minsan nga, nasasabihan na rin tayo na mayroon tayong toxic positivity – o ‘yun bang mga positibong emosyon lamang ang…

Read More

FISHING TYCOON KAPALIT NI BBM SA DA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UNANG misyon ni Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong hepe ng Department of Agriculture (DA) ay makontrol ang tumataas na presyong pang-agrikultura. Ayan, mahirap na utos mula sa pangulo at dating DA chief na dapat ay maisakatuparan ng bagong hepe. Ang hindi kinaya sa loob ng mahigit isang taong pagrenda sa DA ay ipinasa sa isang tao na ang bitbit lang daw na katangian ay naging campaign donor ni BBM noong eleksyon. Ang daming tagubilin na parang ipinangangalandakan na da best si Laurel para sa posisyon.…

Read More

CONG. AMBEN NG LAGUNA AT DOK G NG Q.C. NAMAHAGI NG AYUDA

TARGET ni KA REX CAYANONG PINANGUNAHAN ni Laguna 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante ang payout para sa programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan. Ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap ng ating mga kababayan, lalo na noon sa gitna ng pandemya, ay hindi nakaligtaan ni Congressman Amben, at ito’y isang taimtim na paalala ng kanyang dedikasyon sa pag-aalaga ng kanyang mga nasasakupan. Sa ginanap na seremonya sa San Pablo City Central School Gymnasium, ipinakita ni Congressman Amben ang kanyang pagmamahal…

Read More

RAPE SUSPECT SA MINOR, ISINELDA

ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang wanted person makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong statutory rape sa isang menor de edad, sa kinaroroonan nito sa Marilao, Bulacan nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni MPD chief, Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang suspek na si alyas “Benjoe Mar”, 18, ng Zamboanga City. Ayon sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar, ng mga operatiba…

Read More