BAGONG TAUHAN NG BOC-POD SUMABAK SA ORIENTATION

NAGSAGAWA ng oryentasyon ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao sa kanilang bagong tanggap na mga tauhan kamakailan. Kasabay ng oryentasyon sa bagong tanggap na mga tauhan ang anunsyo ng tagumpay ng BOC-Davao. Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pangako ng Port sa pag-aalaga ng isang dinamiko at maalam na mga manggagawa at ito ay nagmamarka ng mahalagang hakbang sa pag-optimize ng kanilang customs operations at serbisyo ng kahusayan. Sa buong oryentasyon, ipinakilala sa mga dumalo ang pangunahing mga aspeto ng customs operations, kasama ang customs regulations, organizational structure,…

Read More

BOC-NAIA IPINAGDIWANG 63 YEARS OF EXCELLENCE

IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasama ang kanilang mga empleyado at pangunahing stakeholders, ang mahigit anim na dekadang serbisyo publiko sa ilalim ng temang “Beyond Borders: A New Era for Digitalization and Customs Excellence.” Sa nasabing anniversary celebration kamakailan, si District Collector Atty. Yasmin Mapa ay binigyan-diin ang kahanga-hangang tagumpay at progreso ng BOC-NAIA. Itinampok ni Collector Mapa ang port’s outstanding revenue collection performance, na nakakolekta ng kabuuang P31.3 billion na kita mula Enero hanggang Setyembre 2023. Ito ay nakalagpas sa collection target na…

Read More

PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NAKASALALAY SA MAAYOS NA SERBISYO NG KURYENTE

DAPAT palitan ang mga palpak na distribution utility at electric cooperatives. Ito ang hinaing ng Bantay Kuryente, Konsyumer at Kalsada o BK3. Ang BK3 ay isang organisasyon na naglalayon makita ang pag-unlad ng Pilipinas. Ayon kay Professor Louie Montemar, Convenor ng grupo, sobrang pahirap na sa mamamayan ang walang puknat na kapalpakan ng madaming kooperatiba at distribution utility na puro pahirap na lang ang dala sa mamamayan. Anila noong Abril, ay umabot na sa pagdeklara ng state of calamity ang Mindoro Occidental dahil sa lumalalang krisis sa kuryente. Halos buong…

Read More

CIVILIAN AGENCIES NA HUMIHIRIT NG CONFI FUND TAMAD – KOKO

SEN KOKO PIMENTEL-3

NANINIWALA si Senate Minority Leader Koko Pimentel na iginigiit ng ibang ahensya ang confidential fund dahil nais lamang nilang i-shortcut ang proseso sa kanilang procurement at iba pang transaksyon sa kanilang departamento. Ito ang pangunahing dahilan kaya tutol na tutol si Pimentel sa pagbibigay ng confidential fund sa mga civilian agency. Inihalimbawa ni Pimentel ang pagbibigay ng confidential fund sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa paglaban sa mga cybercriminals. Ipinaliwanag ng senador na maaari namang gawing line item ang bibilhing kagamitan ng DICT na hindi naman…

Read More

KORUPSYON SA LTFRB KAKALKALIN NG KAMARA

SA kabila ng pagbawi ng whistleblower na si Jefferson Tumbado sa kanyang alegasyon na malala ang katiwalian sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB), kakalkalin pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing isyu. Sa advisory ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, tuloy ang imbestigasyon ngayong Lunes, hinggil sa isiniwalat ni Tumbado na katiwalian sa LTFRB na umaabot umano sa Department of Transportation (DOTr) at Malacanang. Bukod kay Tumbado, ipinatawag din sa nasabing imbestigasyon si suspended LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz…

Read More

NORTHRAIL CORP. BINUWAG NA NI BBM

TULUYAN nang binuwag ng Malakanyang ang North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa katuwirang wala na itong saysay. Mandato ng Northrail na mag-develop, magtayo, mag-operate at pangasiwaan ang railroad system patungong National Capital Region, Central Luzon at Northern Luzon. Nakasaad sa Memorandum Order No. 17, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 19, 2023, ang Northrail ay hindi na “cost efficient, and does not generate the level of social, physical and economic return vis-a-vis the resource inputs.” Ayon pa rin sa kautusan, ang Bases Conversion and Deve­lopment Authority (BCDA) ang…

Read More

P30-M SMUGGLED YOSI NA NASABAT SA 2 INDONS NAGLAHO?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITO ang usap-usapan ngayon matapos mahuli ang dalawang Indonesian nationals na suspected smugglers na may dalang 600 master case o kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P30 million. Ang mga suspect na sina Fadli Machmud at Pajar Antarani ay naaresto ng mga operatiba ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard habang naglalayag sa Isla ng Sarangani province. Nangyari ito noong October 17 ngunit hindi lumabas sa media. Naging kahina-hinala naman ang isinampang kaso laban sa kanila dahil sa halip na ‘economic sabotage,’ kinasuhan lamang sila ng…

Read More

Raid ni Speaker Martin ‘epal’ lang PRESYO NG BIGAS PUMAPALO PA RIN SA P60 KILO

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG umepal lang si House Speaker Martin Romualdez nang pangunahan nito ang mga pagsalakay kamakailan sa ilang warehouse na pinaghihinalaang nag-iimbak ng bigas. Sunod-sunod na sinalakay ng Bureau of Customs (BOC) kasama si Romualdez at ilan pang mambabatas matapos iutos ng Malakanyang ang paghabol sa mga pinaghihinalaang dahilan ng artificial shortage at pagmahal ng presyo ng bigas sa bansa. Kabilang sa mga sinalakay ang rice warehouses sa Bulacan. Sa kabila nito, patuloy ang reklamo ng mga mamimili sa mataas pa ring presyo ng bigas sa mga pamilihan. Para…

Read More

PERA NG LANDBANK AT DBP AAMAGIN SA MAHARLIKA

(DANG SAMSON-GARCIA/CHRISTIAN DALE) NAGBABALA si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na posibleng abutin ng ilang buwan o taon na matutulog ang inilagak na P50 billion ng Land Bank of the Philippines at P25 billion ng Development Bank of the Philippines sa Maharlika Investment Fund kung hindi ito ibabalik sa dalawang bangko. Sinabi ni Pimentel na maaari kasing matagalan pa ang pagpe-perfect sa sinasabing problema sa Implementing rules and regulations ng Maharlika Investment Fund Act bukod pa sa aabutin din ng ilang buwan ang pagbuo ng korporasyon at pagkuha ng…

Read More