THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAKABABAHALA ang sunud-sunod na cyberattacks nitong mga nagdaang linggo lalo na’t mga ahensya ng gobyerno, kagaya ng PhilHealth, House of Representatives at Philippine Statistics Authority, ang karamihan sa mga nabiktima. Matagal na rin namang mayroong kampanya para maiwasan ang mga cyberattacks na konektado rin sa mga paglaganap ng mga scam. Hindi naman maaaring basta na lang natin itong tigilan dahil karamihan sa ating ginagawa sa araw-araw ay konektado na rin sa Internet. Bahagi rin kasi ito ng digitalisasyon at pag-unlad. Pero kaakibat nga nito, importanteng…
Read MoreAuthor: admin 5
ROMUALDEZ SUMISIPSIP NA NGA BA SA US PARA SA AMBISYON SA 2028?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMUTANG at bigla na lang ding nawala ang isyu ng tumataginting na $2 million na donasyon daw ni House Speaker Martin Romualdez sa pamosong Harvard University sa Amerika. Hindi inamin at hindi rin itinanggi ni Romualdez ang issue. Ang sabi, tulong iyon ni Speaker para sa pagtuturo ng Filipino language sa nasabing unibersidad. Maging ang Harvard ay tikom ang bibig sa issue. Ang tugon lamang nito sa mga nagtanong, “We do not discuss the terms or specifics of individual gifts”. Marami ang tumaas ang kilay dahil…
Read MoreREMULLA NA-FAKE NEWS NA NAMAN SA KATIWALIAN SA AIRPORT
BISTADOR ni RUDY SIM TILA na-fake news na naman itong si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla makaraan na muling sumabog ang katiwalian sa isa sa mga ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Ayon sa pahayag ni Remulla, sa halagang P150K di-umano ay nakalalabas at nakapapasok sa bansa ang mga dayuhang nasa blacklist ng Bureau of Immigration, dahilan upang muling imbestigahan ang ilan sa pinaghihinalaang nasa likod ng katiwalian. Hmm… Teka! Unang-una, Mr. Secretary Sir! Mukhang pati ang mga nagbato sa ‘yo ng impormasyon ay binubukulan…
Read MoreMPBL GAME SA BACOOR GYM, INALERTO SA BOMB THREAT
CAVITE – Naalerto ang Bacoor City Component City Police Station (CCPS) makaraang makatanggap ng Short Messages Service (SMS) hinggil sa umano’y ipapasok na bomba sa Bacoor Strike Gymnasium kung saan magaganap ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Dasmariñas City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-11:12 ng umaga nang makatanggap ang Bacoor CCPS ng isang SMS hinggil sa umano’y bomba na ipapasok sa Bacoor Strike Gymnasium sa BGC Compound, Bacoor City na inilagay sa isang laptop, water cooler o kaya sa isang bag. Nakasaad pa sa SMS…
Read MoreSK KAGAWAD CANDIDATE, UTOL NIRATRAT
SUGATAN ang isang kandidatong SK kagawad at ang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Matolato, sa bayan ng Leyte, sa lalawigan ng Leyte, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si SK kagawad candidate Gino Paglinawan, 19-anyos, at kapatid nitong si Toriano Paglinawan, 22-anyos. Ayon sa report ng Leyte Municipal Police Station, natutulog sa loob ng bahay ang magkapatid nang paulanan ng bala ang mga ito ng dalawang suspek na pumuwesto sa kalsada sa labas ng bahay. Agad…
Read MoreP15-M SHABU NASABAT SA TRIKE DRIVER SA LUCENA
LUCENA CITY – Umabot sa P15 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon PNP Drug Enforcement Unit (QPDEU) at mga tauhan ng Lucena City Police Station DEU, sa buy-bust operation sa Brgy. Ilayang Iyam, sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), isinagawa ang buy-bust operation laban sa 40-anyos na si alyas “Eric”, tricycle driver, sa kanyang bahay sa Brgy. Ilayang Iyam dakong alas-11:30 ng gabi. Gamit ang P23,000 boodle money, at P1,000 genuine bill, nakabili…
Read MoreINARKILANG BANGKA NG PH NAVY BINANGGA NG CHINESE VESSEL
UMANI ng pagkondena sa iba’t ibang diplomatic mission sa Pilipinas ang panibagong pagtatangka ng China sa harangin ang rotation and resupply mission ng Philippine Navy sa BRP Sierra Madre sa dagat malapit sa Ayungin Shoal na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na nagresulta sa banggaan sa West Philippine Sea. Sa ulat na ipinarating ng National Task Force for the West Philippine Sea, bandang alas-6:04 kahapon ng umaga ay nabangga ng isang Chinese militia vessel ang isang inarkilang bangka ng Philippine Navy. “At around 0604H this morning, while…
Read MoreNATIONAL CYBER SECURITY OFFICE ITATAG – TULFO
HINILING ni House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anomang pag-atake ng hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa. Ginawa ni Rep. Tulfo ang kahilingan matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng hackers sa mga computer data system at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad sa PhilHealth, Department of Information, Communication and Technology (DICT) at maging ng House of Representatives. Ayon kay Cong.…
Read MoreSAUDI INVESTORS KUMPIYANSA SA PINAS
BUKOD sa $4.26 billion investment deal ng Saudi Arabia sa Pilipinas, $120 million dollar na puhunan naman ang ipinangako ng private companies nito. Ayon sa Pangulong Marcos ang nasabing halaga na ilalagak ng Saudi companies sa bansa ay magbubukas ng 15,000 na trabaho partikular sa construction sa Pilipinas. “The amount of investment deal by the Saudi government and the private corporations to the Philippines clearly show kung gaano katiwala ang Kingdom of Saudi Arabia at mga negosyante dito sa Pilipinas para maglaan ng malaking halaga,” ayon kay House Speaker Ferdinand…
Read More