UMABOT sa 205 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa pinaigting na isang linggong anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City mula Setyembre 15 hanggang 21. Nabatid sa pahayag nitong Lunes, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief, Brig. Gen. Redrico Maranan, kabilang sa mga nadakip ang 18 drug users at 30 drug pushers na nakumpiskahan ng kabuuang P1.9 milyong halaga ng ilegal na droga sa 32 operasyon. Ayon sa pulisya, sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga…
Read MoreAuthor: admin 5
ENTRANCE AUDIT CONFERENCE ISINAGAWA SA BOC
NAGSAGAWA ng Entrance Audit Conference ang Commission on Audit (COA) kasama ang Bureau of Customs (BOC) noong ika-21 ng Setyembre, 2023. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan nina BOC Internal Administration Group Acting Deputy Commissioner Michael Fermin at COA Resident Auditor Atty. Arnel Bacarra. Sa pagpupulong na ito, tinalakay ng COA ang paparating na annual audit sa BOC para sa taong ito. Pinag-usapan din ng BOC at COA ang mga kritikal na impormasyon at mga update ukol sa mga hakbang na kinakailangang gawin upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng…
Read MoreP5.8-M SMUGGLED DIESEL FUEL NASABAT SA BOC-ZAMBOANGA
NASABAT ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga, sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Water Patrol Division, TG Aduana SWM/BARMM, at ng Coast Guard Inspector General – Southwestern Mindanao (CGIG-SWM), ang isang barkong naglalaman ng mga produktong petrolyo na P5.8 milyon ang halaga, sa Brgy. Cawit, Zamboanga City noong Setyembre 9, 2023. Ang operasyon ay nag-ugat sa pamamagitan ng intelligence report na isang barko mula Taganak Island, Tawi-Tawi patungong Zamboanga City, ang may dalang smuggled fuel products. Ang nasabing barko na…
Read MoreCHINESE MAFIA SA SMUGGLING NG BIGAS TATALUPAN NG BOC
TINUTUNTON na ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y Chinese mafia sa likod ng pagpupuslit ng bigas sa Pilipinas. Sa impormasyong ibinahagi ni BOC Director Vernie Enciso, sa kanilang inisyal na impormasyon, ang mga sangkot sa rice smuggling ay nasa sektor ng financing, distribution at iba pa. Pag-amin naman ni BOC chief of staff Atty. Marlon Agaceta, mahirap matukoy ang pinagmulan ng smuggled rice at kung sino ang nasa likod nito. Gayunman, patuloy sa pangangalap ng impormasyon ang kagawaran upang matukoy ang mga nagsasabwatan sa pagpupuslit ng bigas sa bansa.…
Read MoreTaumbayan nagising sa higit isang taon na kapalpakan MARCOS-DUTERTE PABULUSOK NA
BAGAMA’T higit isang taon pa lamang sa kapangyarihan, dumarami na ang nagigising laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Ganito inilarawan ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang resulta ng survey ng PUBLiCUS Asia kung saan dumaudos na ang trust at approval rating ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa. “Yes dumadami na ang nagigising,” pahayag ni Colmenares dahil mula sa 62% na approval rating ni Marcos ay naging 55% na lamang ito sa ikatlong bahagi ng taon o mula Hulyo hanggang…
Read MoreNahuli puro kontrabando walang ulo ng sindikato POLITICAL WILL VS SMUGGLERS HAMON KAY BBM
PATULOY na namamayagpag ang mga smuggler at cartel sa mga produktong agrikultura lalo na sa bigas dahil walang political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na habulin, kasuhan at ipakulong ang mga ito. Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), puro lamang pitik ang ginagawa ng gobyerno sa mga sindikatong ito na pumapatay sa mga lokal na magsasaka at nagpapahirap sa consumers. “Government should muster enough political will and sincerity to genuinely address the rampant smuggling of agricultural products, particularly rice, sugar, and vegetables, and bring to justice…
Read MoreMARCOS KUMAMBYO SA PLANONG FISHING BAN
BINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naunang ulat na tinitingnan na niya ang pagpapatupad ng fishing ban at iba pang restriksyon sa ilang lugar partikular na sa mga lugar na inilaan para sa fish breeding at propagation para tugunan ang overfishing. Sa kanyang pagdalo sa launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Nabua, Camarines Sur, ipinaliwanag ni Marcos na hindi lang maganda ang pagkapaliwanag niya kaya lumabas na tila nais niya ng fishing ban. “Kung minsan kailangan ‘wag uubusin yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya yun…
Read MoreButata sa WPS issue ROBIN MAG-RESEARCH KA MUNA – TRILLANES
BUTATA si Senador Robinhood Padilla nang magpatutsada si dating senador Sonny Trillanes IV na dapat isangguni ng una sa kanyang mga staff ang mahahalagang bagay bago magkomento. Kasabay nito, hiniling ni Trillanes sa Senate media na itanong kay Padilla kung ano ang naging basehan nito sa pagsasabing natalo ang bansa sa Scarborough sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Nagbanggit ang dating senador ng ilang facts hinggil dito: 1. Wala aniyang Chinese ship sa loob ng Scarborough shoal: 2. Walang Chinese reclamation o base sa Scarborough shoal.…
Read MoreTraditional fishing ground ng Pinoy BAJO DE MASINLOC BINARIKADAHAN NG CHINA
MULI na namang gumawa ng salungat na aksyon ang China sa West Philippine Sea nang lagyan nila ng barikada ang bungad ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na isang traditional fishing ground ng mga mangingisdang Pinoy, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Agad namang kinondena ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paglalatag ng China Coast Guard ng floating barrier sa may South portion ng Bajo de Masinloc. Sinasawata ng barikada ang pagpasok ng Filipino Fishing Boats (FFBs) sa bungad…
Read More