BABAENG ESTUDYANTE PINATAY SA SAKAL

NATAGPUAN ng isang lalaking naghahanap ng kanyang alagang baka, ang bangkay ng isang babaeng estudyante na limang araw nang nawawala, ayon sa mga awtoridad sa Diffun, Quirino. Ayon kay Police Major Juanito Balite Jr., hepe ng Diffun Police, matapos ang limang araw na paghahanap sa babaeng estudyante ay natagpuan ito sa magubat na lugar sa Barangay San Isidro nitong nakalipas na linggo. “May naamoy siya na hindi magandang amoy, hanggang natunton niya [‘yung bangkay] and then ni-report sa mga kabarangay and then may nag-report na rin sa amin,”ani Balite. Agad…

Read More

9,000 BUHAY NA MANOK IPINAMIGAY SA PAMPANGA

UMABOT sa 9,000 piraso ng buhay na manok ang ipinamahagi nang libre ng isang pribadong kumpanya para sa mga residente ng Barangay Bahay Pare sa Candaba, Pampanga para magamit na panghanda sa pagdiriwang ng kapistahan noong Setyembre 24, 2023. Tatlong truck ng buhay na manok na nagkakahalaga ng halos P2-million, ang ipinamigay nang libre ng mag-asawang tinaguriang ‘Good Samaritan’ na sina Engr. Danilo Baylon at Apo Aniway Baylon para sa 4,500 pamilya na pandagdag sa handa para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Parokya ng Nuestra Señora Dela Merced sa nasabing…

Read More

P125-M CONFI FUND NI VP SARA, 11 ARAW LANG GINASTOS

HINDI 19 araw kundi 11 araw lamang ginastos ni Vice President Sara Duterte ang P125 million confidential funds na ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong December 2022 para sa Office of the Vice President (OVP). Ito ang inamin ng Commission on Audit (COA) sa pamamagitan ni House appropriations committee vice chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na siyang sponsor sa budget ng nasabing komisyon. “Madame Speaker, ang totoo po ay nagulat din po ako noong mabasa ko ang mga balita na nagastos po sa loob ng…

Read More

Matapos sitahin sa Kamara ang P340-M gastos sa advertisement 2 PCSO OFFICIAL BIYAHENG GERMANY?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM? PUPUNTA sa Germany ang dalawang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magdeposito umano ng limpak-limpak na salapi. Ito ang usap-usapan ngayon matapos sabay na magpa-book ng ticket ang dalawang hindi pinangalanang opisyal sa PCSO upang magtungo sa naturang bansa. Duda ng mga ‘Marites,’ magdedeposit umano ang dalawang opisyal ng multi-million dollar na mula sa katas ng pekeng panalo sa lotto ng PCSO — bagay na dapat sagutin ng naturang government owned and controlled corporations kung totoo ito o hindi. Matatandaan na naging topic na…

Read More

SARI-SARI STORE OWNERS MAY AYUDA RIN

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash assistance para sa mga sari-sari store owner na apektado ng price ceiling sa bigas. Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre 25 hanggang 29. Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of Trade and Industry (DTI) para tukuyin ang mga benepisyaryo. Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DSWD na magbigay ng cash assistance sa maliliit na rice retailers na apektado ng mandatong…

Read More

Forward Negosyo sa Montalban TULONG PANGKABUHAYAN NI REP. NOGRALES PATULOY

MULING namahagi ng tulong pangkabuhayan si Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles sa kanyang nasasakupan sa bayan ng Montalban. Ayon sa mambabatas, laganap pa rin ang kawalan ng trabaho at kabuhayan kaya patuloy niyang isinusulong na mabigyan ng paraang kumita ang kanyang mga kababayan. Layunin ng programa ni Nograles na mabigyan ng puhunan ang benepisyaryo na kapus-palad upang makapagsimula ito ng maliit na negosyo. Sa ganitong paraan aniya ay unti-unti niyang matutulungan na umangat ang kabuhayan ng mga taga-Montalban gayundin sa pagbangon ng ekonomiya. Muling namahagi si Nograles ng Forward…

Read More

FLOATING BARRIERS NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC, BABAKLASIN NG PH

GAGAWIN ng Pilipinas ang lahat ng legal na paraan para alisin ang inilatag na floating barriers ng China Coast Guard sa bungad ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), ayon sa inilabas na pahayag kahapon ng National Security Council, kasabay sa pagkondena sa Peoples Republic of China sa panibagong paglabag sa 2016 International Arbitral ruling. “We condemn the installation of floating barriers by China Coast Guard in Bajo De Masinloc. The placement by the People’s Republic of China of a barrier violates the traditional fishing rights of our fishermen whose rights…

Read More

RIDER PATAY SA KOTSE NG US DIPLOMAT

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang motorcycle rider makaraang makasagian ang isang BMW na minamaneho ng isang US diplomat sa Roxas Boulevard, sa harap ng US Embassy, nitong Lunes ng umaga. Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng BMW na si Searight Lauren Kari. Base sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bandang alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, magkasabay na tinatahak ng biktimang si Ralph Lauren Doble ng Navotas City, at ng nasabing US diplomat,…

Read More

KASUNDUAN SA TURNOVER NG EMBO HEALTH FACILITIES TINALIKURAN NG MAKATI

PUMALAG ang lungsod ng Taguig sa pagpapakalat umano ng mga maling impormasyon ng Makati City at ang pagtalikod nito sa naunang kasunduan kaugnay ng turnover ng mga health facility ng 10 EMBO barangays. Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, nilabag ng Makati City ang kanilang kasunduan kasama ang Department of Health (DOH). Ayon sa Taguig City, base sa kasunduan ay hindi na muna babanggitin ang pagmamay-ari ng mga pasilidad at lupa habang isinasagawa ang “transition period.” Ngunit, kamakailan ay muli umanong nagpahayag ang Makati City LGU na sila ang may-ari…

Read More