HAHAWAKAN ng China at iba pang foreign investors sa leeg ang mga Pilipino kapag nagtagumpay ang Kongreso sa kanilang economic Cha-cha. Babala ito ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares kaugnay ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo. “Ang pagbenta natin sa dayuhan ng ating public utilities tulad ng tubig at kuryente ay mapanganib dahil kung hawak ng dayuhan ang ating public utilities, hawak niya tayo sa leeg,” ani Colmenares. Sa ngayon ay 40% sa…
Read MoreAuthor: admin 5
BAN SA POGO INDUSTRY MULING IGINIIT
BINUHAY ni Senador Win Gatchalian ang panawagan na i-ban na ang POGO industry sa bansa dahil krimen lamang ang dulot nito. Sa gitna ito ng pagkakadiskubre ng posibleng kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng ni-raid na POGO sa Tarlac. Sinabi ni Gatchalian na ito ang unang pagkakataon na may isang local executive na nasangkot sa POGO operations na labis niyang ipinagtataka dahil karamihan anya sa kanyang nakakausap na lokal na opisyal ay tutol sa POGO. Idinagdag ng senador na paulit ulit nang napatunayan na hindi natutumbasan ng kinikita sa…
Read MorePAGBUO NG EL NIÑO TASK FORCE, IGINIIT
IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian ang pagbuo ng Dept of Energy ng El Nino Task Force na mangunguna sa pagpupulong sa lahat ng power plants at power utilities para magplano ng contingency measures. Ito ay kasunod ng pahayag ng DOE na maaaring mapailalim sa yellow alert ang Luzon power grid sa darating na mga buwan dahil sa epekto ng El Nino sa hydroelectric power plants Sinabi ni Gatchalian na dapat kabilang sa contingency measures ang Interruptible Load Program o ILP at kailangang walang maintenance ng planta ng kuryente ngayong summer…
Read MoreMARCOS ADMIN UUTANG NG P585-B SA LOCAL CREDITORS
PLANO ng administrasyong Marcos na humiram ng P585 billion mula sa local creditors sa second quarter, kahalintulad ng programmed domestic borrowings sa first quarter, para magsilbing tulay sa budget deficit. Base sa iskedyul na naka-post sa Bureau of the Treasury ‘s (BTr) website, target ng gobyerno na makapag-raise ng P195 billion sa pamamagitan ng pagbebenta sa Treasury bills (T-bills) at P390 billion sa pamamagitan ng Treasury bonds (T-bonds). “The BTr lined up five T-bills auctions in April to raise P75 billion. In May and June, the state plans aims to…
Read MoreMORIONES FESTIVAL Makulay na paggunita ng Semana Santa
ANG Moriones Festival ay isang makulay at relihiyosong pagdiriwang na ginaganap taun-taon sa island province ng Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang Festival ay isinasagawa sa iba’t ibang bayan ng Marinduque, kabilang ang Boac, Mogpog, Gasan, Santa Cruz, at Buenavista. Ang bawat bayan ay may kanya-kanyang natatanging paraan ng pagdiriwang, ngunit lahat ay nagkakaisa sa pagpapakita ng kanilang debosyon at paggalang sa tradisyon ng Semana Santa. Ito ay kilala sa mga kalahok na nakasuot ng mga maskara at kasuotang nagpapakita ng mga sundalong Romano, na bahagi ng pagsasadula ng kuwento…
Read MoreFISHING BOAT BINANGGA NG BARKO, 1 MISSING, 27 NASAGIP
ORIENTAL MINDORO – Isang mangingisda ang nawawala habang 27 iba pa ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang banggain ang kanilang fishing boat ng hindi nabatid na passenger vessel sa bayan ng Mansalay sa lalawigan. Ang fishing boat na FB John Michael ay lulan ang 28 mangingisda nang mangyari ang insidente. Ayon sa Coast Guard Station Oriental Mindoro, nangyari ang insidente sa tinatayang 14 hanggang 16 nautical miles mula sa bayan ng Mansalay. “Hindi rin sila makapag-maneuver kasi nga meron silang mga hatak-hatak na mga lambat. So nu’ng nakita…
Read MoreDALAGA PATAY, 2 SUGATAN SA ARARO NG VAN
CAVITE – Patay ang isang 29-anyos na dalagang production sub-leader habang sugatan ang dalawa pa matapos araruhin ng isang aluminum van habang tumatawid sa kalsada sa Carmona City sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Pawang isinugod sa Carmona Medical Hospital ang mga biktimang sina Jemerine Bombani, 29; Sheryl Cantuba, 45, at Burlet Sevilla, 48, ngunit idineklarang dead on arrival ang una. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt aluminum van na may plakang CBJ 3001 na si alyas “Fernando”, 30 ng Mapulang Lupa, Valenzuela City. Ayon sa ulat, minamaneho ni…
Read MoreNAKIPAGTALO SA INA, ANAK NAPATAY NG AMA
CEBU CITY – Dead on the spot ang isang 28-anyos na lalaki matapos na mabaril ng kanyang sariling ama habang nagtatalo sa kanilang bahay sa Lower Laguerta, Barangay Lahug sa lungsod noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Cebu City Police, pasado alas-10:00, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Kenn Pondar Caballes at ng kanyang ina. Nakialam sa pagtatalo ng dalawa ang ama na si Eugenio Bontilao Caballes, 63, isang habal-habal driver, at sinabihan ang anak na tumigil na subalit hindi ito nakinig. Sa halip, kumuha ng…
Read MoreSUNDALO PATAY SA TUMAWID NA ASO
BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng Philippine Air Force matapos na matumba ang minamaneho nitong motorsiklo at masagasaan ng kasunod na truck dahil sa tumawid na aso sa highway sa Barangay Talaga, Tanauan City sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Alvin Agoho, 37-anyos, residente ng Lipa City at nakatalaga sa 15th Strike Wing Unit ng Philippine Air Force sa Danilo Atienza Air Base, Sangley Point, Cavite. Batay sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-12:40 ng madaling araw, galing sa direksyon ng bayan ng…
Read More