3 KILO NG SHABU NASABAT SA PASAY

TINATAYANG umabot sa mahigit P20 milyong halaga ng ilegal na droga na nagmula sa Vancouver, Canada, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics interdiction ng mga awtoridad sa Pasay City. Ayon sa ulat nitong Martes, hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na tinangkang ilabas ng dinakip na suspek na kinilalang si Mohammad Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51-anyos. Si Bagatao ay inaresto ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA sa isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC),…

Read More

LOLO PATAY SA BUGBOG NG APO

PATAY ang isang 81-anyos na lalaki makaraang bugbugin ng apo hanggang sa tumama ang ulo sa pader sa kanilang bahay sa Barangay 770, Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jesus Rivera, lolo ng suspek na si Reymart Tanghal alyas “Batotoy”, 27, na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Ayon sa testigo na kapitbahay ng…

Read More

LALAKI BINIRA DAHIL SA DROGA

NAMATAY noon din ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang patraydor na barilin sa likurang bahagi ng ulo sa Gasangan Street, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong madaling araw ng Martes. Kinilala ang biktimang si alyas “Ronald”, nasa 25 hanggang 30-anyos ang edad at nasa 5’7″ ang taas. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, batay sa pahayag ng isang testigo, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang barilin ang biktima ng suspek na si John-John Pascua, 28, at kasabwat…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA ANTIPOLO

NASILO sa Antipolo City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 42 anyos na construction worker na may kasong rape at act of lasciviousness sa Pasig City, noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Alvin Magno, binata ng Victorino Extension, Pasig City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip ang suspek makaraang matunton sa Antipolo City. Halos anim na taon umanong nagtago ang suspek…

Read More

Meralco Tiniyak ang Tuluy-tuloy na Serbisyo ng Kuryente Ngayong Semana Santa

Handa ang Meralco na rumesponde sa anumang alalahanin sa serbisyo ng kuryente ngayong Semana Santa Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa 7.8 milyong customer nito ang tuluy-tuloy at maasahang serbisyo ng kuryente ngayong Semana Santa. Bagama’t pansamantalang magsasara ang mga Meralco Business Center mula ika-28 hanggang ika-30 ng Marso, mananatiling handa 24/7 ang mga crew ng kumpanya na rumesponde sa anumang alalahanin sa serbisyo ng kuryente. Lahat ng Meralco Business Center ay magbabalik operasyon sa ika-1 ng Abril (Lunes). “Kaisa ang Meralco sa taimtim at ligtas na paggunita ng…

Read More

SM shows solidarity for Down syndrome community through this year’s Happy Walk

SM Cares, a long time-supporter of the Down Syndrome community, is celebrating 20 years of supporting communities. This 2024, SM malls celebrate Happy Walk in SMX Manila, SM City Cebu and SM City Bacolod. SM Cares, in partnership with the Down Syndrome Association of the Philippines (DSAPI), continues to show its support and commitment to raising awareness and empowering the Down syndrome community through the annual Happy Walk, held last March 24, Sunday. This year’s Happy Walk got even bigger with over 5,000 overall attendees, with 480 persons registered with…

Read More

MAKABAGONG MAKAPILI

DPA ni BERNARD TAGUINOD HOLY week ngayon at panahon ng pagpapatawad pero mukhang hindi kapata-patawad ang mga ‘Makabagong Makapili” na kababayan natin lalo na ‘yung mga nagpasok sa Chinese nationals sa Auxiliary Force Corps. ng Philippine Coast Guard (PCG). Hindi Filipino-Chinese ang mga ipinapasok sa PCG kundi Chinese nationals talaga at tinanggap na walang national security clearance kaya hindi na nakapagtataka na may mga advance information ang China sa mga galaw ng PCG sa West Philippine Sea (WPS). Kung walang national security clearance ang mga dayuhang ito, ibig sabihin ay…

Read More

PARUSAHAN ANG MAKABAGONG MAKAPILI

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat matapos lang sa paghubad ng maskara sa tinawag ng isang kongresista mula sa Mindanao, na “Makabagong Makapili” na nag-recruit sa 36 Chinese nationals para sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force Corps (PCGAFC), na inilagay sa panganib ang seguridad ng bansa. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, noong panahon ng Hapon sa Pilipinas, ay mayroon nang mga makapili. Aniya, ngayon mayroon namang “Makabagong Makapili” na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Kaya kinakailangan itong maimbestigahan at kilalanin ang umano’y…

Read More

SINO’NG MAS UUNLAD, ANG EMPLEYADO O ANG NAGNENEGOSYO?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BASE sa aking karanasan, mas marami akong nakitang mas mabilis ang pag-unlad ng mga nagnenegosyo kung ikukumpara sa mga nangangamuhan o empleyado ng kumpanya o opisina, maging pribado man o gobyerno. Ang ordinaryong empleyado sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod ng P610 minimum wage kada araw na may kabuuang P18,300 sa isang buwan. Lumalabas na sa loob ng isang taon ay mayroong siyang kabuuang sweldong P219,000 at iba pang benepisyo. Sa minimum wage na P610 ng isang empleyado ngayon, sa taas ng presyo…

Read More