Bakuna ng mga empleyado ipinasasagot TOP 5K KUMPANYA DAPAT GUMASTOS – DEFENSOR

UMAASA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na gagastusan ng top 5,000 corporation sa bansa ang pagbabakuna sa kanilang 5 milyong empleyado laban sa COVID-19.

Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil aminado ito na hindi kaya ng gobyerno na bakunahan ang may 70 milyong Pilipino upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat.

“As part of their business sustainability management, we are counting on our largest private firms to arrange and spend for the mass vaccination of their respective workforces,” ayon sa vice chairman ng House committee on health.

Kabilang aniya sa top-50 corporations na ito ay mga multi-national corporation na nasa sektor ng information technology tulad ng enabled business process outsourcing (BPO) na milyon ang empleyado.

Mayroon aniyang kanya-kanyang in-house clinics ang mga ito o kaya pasilidad tulad ng private health maintenance organizations (HMOs) na maaari nilang gamitin para sa immunization ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ang malalaking kumpanyang ito sa immunization campaign sa mga darating ng buwan upang mabawasan ang bigat na pinapasan ng gobyerno kung sasagutin nila ang bakuna ng kanilang mga empleyado.

“This will allow our Department of Health to concentrate on vaccinating disadvantaged Filipinos, such as those in the informal economy. If private corporations can immunize their own employees, then the government will have five million Filipinos less to target for vaccination,” ani Defensor.

Sa ngayon ay umaabot na sa 110 million ang populasyon ng Pilipinas subalit 70 million lamang ang kailangan ng bakuna dahil tanging sa mga nasa hustong edad lang ang ginawang gamot laban sa COVID-19.

 

STORAGE LOGISTIC

Kailangan din ang tulong ng pribadong sektor sa immunization campaign ng gobyerno laban sa COVID-19 partikular na sa storage logistic upang masiguro na hindi masasayang ang bakunang bibilhin sa hinaharap.

Ito ang pahayag ni House deputy speaker Johnny Pimentel lalo na’t kailangan ang storage facilities na may negative 70 degrees celcius upang hindi mawalan ng bisa ang bakuna.

“This early, we would expect our inter-agency Task Force of Emerging Infectious Diseases to make an inventory of all obtainable cold storage provisions, including those held by private firms, that can be harnessed to deliver the vaccines across the country without delay,” ani Pimentel.

Sa ngayon ay nag-iisa ang cold storage facility ng Deparment of Health (DOH) na nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City na hindi aniya sapat dahil milyun-milyong bakuna ang kailangan bilihin. (BERNARD TAGUINOD)

108

Related posts

Leave a Comment