Balik-pera iginiit ni Sotto OSPITAL NA ‘DI MAGSOSOLI NG IRM FUND KASUHAN

IGINIIT ni Senate President Vicente Sotto III na marapat lamang na bawiin ng Philippine Health  Insurance Corporation (PhilHealth) ang bilyun-bilyong halaga na inilabas nitong pondo sa mga ospital  na nakinabang sa interim reimbursement mechanism (IRM).”Ang recommendation namin sa PhilHealth ngayon, ‘yung bagong PhilHealth, na kailangan, bawiin nila  ‘yun. Magpa-liquidate sila sa mga naibigay na at ‘yung mga hindi pa nagagamit ay bawiin,” ani Sotto.

Banta pa nito sa mga ospital na tatangging ibalik ang pondo sa PhilHealth ay mahaharap ang mga ito  sa kaso.
“Palagay ko naman ay naiintindihan ng mga hospital ‘yan sapagkat kapag hindi ay mananagot sila. Sa  mga recommendation namin wala pa kaming pinananagot na mga hospital. Pero pag hindi nila ginawa ‘yun, mananagot sila. Ngayon, kung sasagutin nila sa atin, sasabihin nila sa atin na eh kasi  nakapagbigay na kami, eh di mas maganda para malaman natin kanino ninyo binigay. Doon lalabas  ‘yun,” ayon pa sa lider ng Senado.Magugunitang inamin ng dating opisyal ng PhilHealth na si Atty. Jojo del Rosario na nasa P14 bilyon  ang ilegal na IRM ang nailabas ng ahensya sa mga ospital.

Samantala, pinayuhan ni Sotto si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na pag-aralan ang Revised Penal Code Article 217 kung bakit hindi ito dapat isama sa sasampahan ng kasong kriminal  at administratibo.

“Dapat basahin niyang mabuti  ang RPC 217 kasi negligence lang ay sapul ka sa malversation, eh ikaw  ang chairman of the board. Nagpasa kayo ng kung anu-ano, ibig sabihin pasa nang pasa ‘yung board,  wala kang kamalay-malay,” giit ni Sotto. (NOEL ABUEL)

142

Related posts

Leave a Comment

ADVERTISE WITH US!

Email: advertise@saksingayon.com

Phone: 7757-2769

Address: #85 Unit F, Scout Rallos St., Brgy. Sacred Heart, Diliman, Quezon City