NABIDYUHAN ang isang aso habang kinakaladkad ng tricycle sa kalsada sa Bauan-San Pascual Road sa Batangas noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa video uploader na si Angel Luzon, aksidente nilang nasundan ng kanyang kasama sa motorsiklo ang tricycle at agad nilang sinubukang sitahin ang driver nang mapansin ang asong nakaladkad sa kalsada. Hindi umano nila malinaw na nakita ang plaka at buong itsura ng driver, pero sinundan nila ang tricycle mula sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Bauan hanggang sa tapat ng isang supermarket. Sa kanyang Facebook post, nanawagan…
Read MoreDay: October 9, 2026
PASLIT MUNTIK MASAPOL NG TRIKE SA HIGHWAY
MUNTIK nang masapol ang isang 3-anyos na paslit ng isang dumaraang tricycle sa national road sa Barangay Calit-Calit, San Juan, Batangas noong Martes ng umaga. Base sa kuha ng CCTV, dakong alas 9: 28 ng umaga, nakitang nakalabas ang paslit mula sa kanilang compound at tumakbo patungo sa gitna ng highway. Sakto namang paparating ang isang tricycle at isang ten-wheeler truck. Agad naman itong hinabol ng isang naka-duty sa katabing barangay hall na isang babaeng miyembro ng Lupong Tagapamayapa. Nakabig naman kaagad ng driver ng tricycle ang manibela at naiwasan…
Read More6 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, TIMBOG
ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang anim na indibidwal na nasa listahan ng Most Wanted Persons (MWP) ng pulisya sa isinagawang magkakasunod na operasyon sa Cavite. Unang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rocille Aquino Tambasacan, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 21, Imus City, Cavite, si alyas “Allan”, nasa listahan ng MWPs Regional Level, bandang alas-9:15 ng umaga sa Brgy. Bayang Luma, Imus City, dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). Sumunod na…
Read MoreFISHKILL NAITALA SA ROMBLON DAHIL SA EL NIÑO
NAITALA ang ilang insidente ng fish kill sa ilang bahagi ng baybayin ng Odiongan, Romblon, na iniuugnay ng Municipal Agriculture Office o MAO sa matinding init at pagtaas ng temperatura ng tubig-dagat na dulot ng El Niño. Ayon sa MAO ng Romblon, kabilang sa mga naapektuhan ang Barangay Canduyong at ilang bahagi ng Barangay Libertad at Gabawan. Ipinaliwanag ng MAO na maaaring maapektuhan ang maliliit na organismo at isda sa mabababaw na bahagi ng dagat kapag mataas ang temperatura ng tubig, lalo na kapag tumatapat ang low tide sa tanghaling…
Read MoreDOJ: HINDI PA FUGITIVE FROM JUSTICE SI LEVISTE
MALABO pang ituring ng Department of Justice (DOJ) na “fugitive from justice” si Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste, taliwas sa naunang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag. Sa regular press conference ng DOJ, sinabi ni OIC Senior Deputy State Prosecutor Herbert Calvin Abugan na sinusunod ng kagawaran ang tamang proseso at may itinakdang panahon bago tuluyang maituring na pugante ang isang akusado. Kabilang dito ang hindi pagharap ni Leviste sa itinakdang hearing ng Makati Regional Trial Court (RTC) at ang kabiguang humarap sa kanyang…
Read MoreMARK VILLAR TUMALON NA SA SENATE MAJORITY BLOC
TULUYAN nang naging miyembro ng Senate Majority Bloc si Senador Mark Villar matapos mahalal bilang bagong chairman ng Senate Committee on Public Works. Kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglipat ni Villar sa majority bloc matapos itong mahalal bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III. Bukod dito, inihalal din si Villar bilang miyembro ng Commission on Appointments (CA) mula sa hanay ng Senate Majority, kapalit ni Zubiri. Ayon kay Sotto, makatutulong ang paglipat ni Villar sa kanilang hanay…
Read More3 PEKENG MTPB PERSONNEL ARESTADO
ARESTADO ang tatlong nagpanggap na mga personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa aktong nanghihingi ng karagdagang parking fee na mas mataas sa ipinatutupad ng Lungsod ng Maynila, sa harapan ng Rizal Memorial Stadium sa kahabaan ng Adriatico St., Brgy. 720, Zone, 78, Malate, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) sa ilalim ng Revised Penal Code, ang naarestong mga suspek na sina Roel Grayda, 37; Emerson Adonis, 26, at Jervin Cordial, 23-anyos. Ayon sa ulat ni PMSG Oscar Vargas Jr.,…
Read MoreHOUSE PROBE SA NCAP SUPORTADO NG LCSP
SUPORTADO ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) ang isasagawang imbestigasyon ng Kongreso sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) ng ilang local government unit (LGU) sa Metro Manila. Ayon kay LCSP founder Atty. Ariel Inton, dapat siyasatin ng Kongreso ang legalidad ng pagpapatupad ng NCAP ng mga LGU, lalo’t mayroon nang traffic management system na pinangangasiwaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “Bakit may NCAP pa ang LGU samantalang may NCAP nang pinatutupad ang MMDA sa pamamagitan ng Unified Traffic Framework na dapat ay MMDA lang ang…
Read MoreMAYNILA, PANGATLO SA MAY PINAKAMALAKING GDP SA MGA HUC
PUMANGATLO ang City of Manila sa mga Highly Urbanized Cities (HUCs) sa bansa na may pinakamalaking Gross Domestic Product (GDP) noong 2025, batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, umabot sa ₱1.06 trilyon ang GDP ng Maynila noong 2025, dahilan upang mapanatili nito ang posisyon bilang isa sa pinakamalalaking city economies sa bansa. Batay sa ulat ng PSA na inilabas noong Oktubre 6, 2026, nanguna ang Quezon City at Makati City, habang pumangatlo ang Maynila. Malaki ang ambag ng services sector sa ekonomiya ng lungsod,…
Read More