5 SASAKYAN NAGKARAMBOLA; TSUPER NG TAXI, 1 PA SUGATAN

LIMANG sasakyan ang nagkarambola sa kalsada nagresulta sa pagkakasugat ng tsuper ng isang taxi at isa pang biktima sa Plaza Dilao Paco, Manila nitong madaling araw ng Biyernes.

Hindi pa nakikilala ang nasugatang tsuper ng Hunchback na may plakang NER-8321, at ang taxi driver na dinala sa Ospital ng Maynila.

Nahaharap naman sa kasong physical injuries and damage to property si Ronald Maglaque na driver ng truck na may plakang RND-916.

Base sa ulat na isinumite ni Police Corporal Rustom Arcyll De Guzman kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:25 ng umaga nang mangyari ang insidente sa lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ni Corporal De Guzman, binabagtas ng truck na minamaneho ni Maglaque, ang southbound lane ng Quirino Avenue ngunit pagsapit sa Plaza Dilao nang mawalan umano ito ng preno at nabundol ang Hunchback at tuloy-tuloy na sinuro ang iba pang mga sasakyan kabilang ang Toyota Wigo, isa pang truck, at ang taxi ng isa pang biktima.

Sumaklolo naman ang isang ambulansiya at isinugod sa ospital ang dalawang sugatan.

(RENE CRISOSTOMO)

148

Related posts

Leave a Comment