SINALAKAY ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang steel manufacturing facility sa Davao City kung saan 174 manggagawang Pilipino ang nasagip sa isang joint operation.
Kasama sa operasyon ang PAOCC, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Army.
Ayon sa PAOCC, nakarekober ang mga operatiba ng radioactive materials at iba pang hinihinalang mapanganib na sangkap mula sa pasilidad.
Kabilang sa mga nakuha ang radioactive isotopes gaya ng Uranium-238, Thorium at Radium-226.
Samantala, apat sa walong DMS steel bar samples na binili ng mga awtoridad sa mga hardware store sa Mindanao ang bumagsak umano sa mandatory mass-variation requirements.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang lawak ng operasyon at mga posibleng paglabag na isinagawa sa naturang pasilidad.
(TOTO NABAJA)
85 