BANTA NI VP SARA SA PANGULO, HINDI PASOK SA INCITING TO SEDITION

MALABONG maharap sa kasong inciting to sedition si Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga naging pahayag nito tungkol sa pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ito ang nilinaw ng Department of Justice (DOJ) matapos lumabas sa preliminary investigation na walang sapat na batayan para sa inciting to sedition at mas angkop ang kasong grave threats.

“Walang inciting to sedition sa mga pahayag ni Duterte,” ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon sa press briefing nitong Huwebes.

Ayon kay Fadullon, ito ang naging findings ng mga prosecutor matapos suriin ang reklamo laban sa bise presidente at ang mga ebidensiyang isinumite sa preliminary investigation.

Naungkat ang usapin matapos sabihin ni Palace Press Officer Claire Castro na maaaring kulang ang isinampang grave threats case laban kay VP Sara at nagpapakita umano ng pagkamuhi kina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga naging pahayag nito.

Ipinaliwanag ni Fadullon na hindi sapat ang basta pagsasalita upang maikonsiderang inciting to sedition ang isang pahayag.

Kailangan umanong mapatunayan na may pag-uudyok sa mga tao na mag-alsa o gumawa ng kaguluhan upang masabing may paglabag sa Article 139 ng Revised Penal Code.

“We based it on the evidence that we have and based on the resolution itself, we had mentioned that it is not inciting to sedition,” ani Fadullon.

“Maaaring yun ang pananaw ng ating Palace spokesperson, pero ito po yung naging findings naman po ng ating mga prosecutors nung ito po ay sinubject to preliminary investigation,” dagdag pa ng opisyal.

(JULIET PACOT)

78

Related posts

Leave a Comment