CEBU CITY — Umuwing luhaan ang ilang residente na nagmula sa Lapu-Lapu City nang hindi sila binigyan ng anomang ayuda ng Region 7 office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa mga nagreklamo, sinabihan sila ng isang Angel Mae Soroño na bumalik na lamang sila sa Lapu-Lapu City at doon humingi ng tulong sa local welfare office.
“Nangutang pa kami ng pamasahe papunta dito pero kahit piso ay wala silang naitulong,” himutok ng mga nagreklamo na humiling na huwag banggitin ang kanilang pangalan.
Sinabihan sila na wala pang schedule ng payout ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation na isang programa ng DSWD.
Napag-alaman na P2,000 lamang ang ibinibigay ng DSWD Region 7 samantalang P5,000 sa National Capital Region.
Umabot sa P63.9 billion ang budget ng AICS para sa kasalukuyang taon.
(JUNEX DORONIO)
83 