MASWERTENG nasolo ng isang bettor mula sa Laguna ang jackpot prize ng Lotto 6/42 matapos nitong mahulaan ang winning combination sa draw nitong Huwebes ng gabi, Agosto 13, 2026.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagkakahalaga ng ₱31,911,511.47 ang jackpot prize na mapupunta sa nag-iisang nakahula sa winning combination.
Nabili ang masuwerteng tiket sa Alaminos, Laguna, na may kombinasyong 20-21-14-41-06-12.
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
(TOTO NABAJA)
74 