P102K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST

0

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang arestado na si Aaron Celestino, alyas “AA”, 42, ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City.

Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:45 noong Lunes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P102,000, at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment