ISINUSULONG ni Senador Francis “Tol” Tolentino na magsagawa ang Supreme Court ng online Bar examination para sa kaligtasan ng examinees sa gitna ng patuloy na pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19).
Inihayag ni Tolentino ang panukala kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa ginanap na pagdinig ng 2021 budget ng Hudikatura.
Ayon sa senador na isa ring abogado na ikinokunsidera ang online Bar examination sa maraming lugar sa US tulad ng Michigan, District of Columbia, Louisiana at New York.
Sinabi ng chief magistrate na tinitingnan din ng High Court ang posibilidad na ipatupad ang online Bar examination sa susunod na scheduled test sa Nobyembre na idadaos nang sabay-sabay sa
Maynila at dalawa pang lugar sa Visayas at Mindanao.
“Next year probably, not this year, wala na this year,” ani Peralta kay Tolentino.
Sa ngayon, sinabi ni Peralta na pinapayagan ng Hudikatura ang fourth year law students na humarap sa Korte sa tulong ng isang supervising lawyer pero kailangan muna niyang pumasa sa Bar exam bago maging full-fledged lawyer. (ESTONG REYES)
110
