NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa.
Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance knowledge and create impactful expressions of imagination” ng isang 15 taong gulang na estudyante.
Sa iskor na 14, ang Pilipinas ay nasa 60 rank mula sa 62 mga bansa at ekonomiya na sumali sa assessment.
“Students in Philippines have among the lowest performance in creative thinking,” ayon sa PISA.
“The observed creative thinking performance in Philippines is lower than the expected performance, after accounting for performance in reading,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang Singapore ng mas mataas na iskor sa lahat ng iba pang lumahok na bansa at ekonomiya sa creative thinking.
Ang mga estudyante sa Korea, Canada, Australia, New Zealand, Estonia, Finland, Denmark, Latvia, Belgium, Poland at Portugal ay nakagawa ng mas mataas sa OECD [Organization for Economic Cooperation and Development] average.
Samantala, makikita naman sa naunang isinagawang pag-aaral ng PISA na ang mga estudyanteng Pilipino rin ang itinuturing na “lowest scorers” sa pagbabasa, matematika at agham. (CHRISTIAN DALE)
