INAMIN ni Bea Alonzo hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagpapatawad sa ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.
Sa panayam sa kanya sa Updated with Nelson Canlas podcast, aniya, “I think it`s a process. I can tell you para lang magmukhang mabuti at parang maging maganda lang ‘yung pangalan ko. I can tell you, `you know what ,okey na `ko. I`m happy, I don`t care, blah blah blah, but that`s not the truth, eh.
“It`s a process. But what I`m doing now is that I`m getting rid of all my baggage. Kasi it`s not helping me, so if ever I`m doing that slowly, it`s for myself, its not for other people.
“So right now, if you see me, I`m lighter, because mas wala na akong bagahe and I`m proud of myself that I was able to do that.”
Inamin din ni Bea kahit nakapag-move on nag-iwan pa rin daw ito ng marka sa kanya.
“Yes, of course, I`ve gotten over it. But ‘yung ano lang, that leaves a mark, eh. Hindi dahil sa nangyari per se but the way you look at yourself, eh, It becomes different, eh. You were broken, so you`re still putting back all the pieces together.
“And now, I was able to put all the pieces back together, Siguro may kakaibang pieces na I will never be the same person again after that,” aniya.
Inamin din niya na pinakamahirap na pinagdaanan niya ang mga sinasabi ng ibang tao laban sa kanya.
“Yung mga tao, napag-uusapan ito, ‘yung mga tao na ang daling mag-comment sa social media, ‘yung mga tao na nagbibigay ng opinyon nila about the matter, pagkatapos nilang sabihin ‘yung mga words na ‘yun that could affect me or other people, they just go on with their lives,, Ako, uuwi ako sa bahay, nandoon pa rin ‘yung pain.
“So, magkaiba ‘yun. Ako, dala-dala ko pa rin siya, ” sabi pa niya.
Aniya, kasalanan din naman daw niya dahil nag-share siya sa social media kaya parang binigyan niya ng karapatan ang mga tao na mag-comment.
Natatandaan niya na nag-share siya ng black picture sa social media na hindi niya pinagsisisihan dahil that time ay she was in so much pain.
“I was just respecting or you know, parang somehow, acknowledging what I was feeling and I guess, standing up to someone who was a bully to me and the relationship. Just to be clear, the guy, ha?” aniya.
Kahit hindi binanggit ni Bea ang pangalan ng guy obvious na si Gerald Anderson ang kanyang tinutukoy. Sabi nga ni Bea mismo,”I`m sure, everybody knows.”
Dahil sa pag-amin ni Bea na hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagpapatawad ay lumalabas na hindi ganoon kadali na magmahal siya ng iba.
Hanggang nandoon pa rin at hindi pa rin matanggap ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend ay hindi pa niya magagawang magmahal ng iba.
237 