UMABOT sa mahigit 15 milyong pasahero ang naitala ng Bureau of Immigration (BI) na pumasok sa bansa noong 2025.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nasa 15.6 milyon ang kabuuang arrivals mula Enero hanggang Disyembre, kung saan 6.7 milyon ay mga dayuhan.
Katumbas ito ng anim na porsiyentong pagtaas kumpara sa 14.7 milyong arrivals noong 2024.
Kasabay ng pagdami ng mga pasahero, patuloy umano ang pagpapabuti ng BI sa kanilang mga proseso, kabilang ang pagpapalawak ng automated systems, pag-upgrade ng mga pasilidad, at pagpapalakas ng manpower upang mas mapabilis at maging maayos ang daloy ng biyahe sa mga paliparan at pantalan.
“These reforms are essential to facilitating legitimate travel for tourists and other travelers,” ayon kay Viado.
Sa kabila ng milyun-milyong pumasok sa bansa, tiniyak ng Bureau of Immigration na mananatili silang mahigpit at mapagmatyag laban sa mga krimen at travel-related abuses upang masiguro ang seguridad ng bansa.
(JOCELYN DOMENDEN)
99 