HINDI katanggap-tanggap kay Senador Grace Poe ang tila pagpapakita ng lakas ng China sa gitna ng paglaban ng iba’t ibang bansa sa COVID-19 crisis.
“It is unfortunate that China is once again flexing its muscles with its imperious acts at a time when nations all over the world are busy dealing with COVID-19,” saad ni Poe.
Iginiit ng senador na dapat ipakita ng gobyerno ng Pilipinas ang patuloy na proteksyon sa sovereignty sa kabila ng pagiging abala sa coronavirus pandemic.
Kasunod ito ng pagtutok ng China ng radar gun sa barko ng Philippine Navy.
“We have shown resolute action by promptly filing diplomatic protests. We must continue to reject maneuvers that trample on our national sovereignty and international laws,” diin ni Poe.
Iginiit ng mambabatas na dapat nakatutok na lamang ang lahat sa pakikipaglaban sa pandemic at mga hakbangin upang maibalik ang normal na pamumuhay. (Dang Samson-Garcia)
181 