BOC-BATAS, KINASUHAN ANG IMPORTERS AT BROKERS NG P4-M ‘MISDECLARED’ PRODUCTS

SINAMPAHAN ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong kriminal ang G. ARABIA PLATINUM Construction and Development Company sa Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y misdeclaration ng used cargo trucks at general merchandise na P4.39 milyon ang kabuuang halaga.

Isinampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) at ng Port of Manila (POM) ang mga kaso bilang bahagi ng kampanya ng BOC laban sa iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Maliban sa G. Arabaia, kasama rin sa kaso ang Customs brokers ng nasabing mga misdeclared products.

Ayon sa BOC, hindi umano nagdeklara ang kumpanya nang tama ang tatlong 2018 cargo trucks.

Nadiskubre ring walang Certificate of Authority to Import na galing sa Department of Trade and Industry (DTI).

Umabot sa P2.44 mil­yon ang halaga ng cargo trucks na ibiniyahe noong Disyembre 14, 2020 sa POM.

Ang G. ARABIA at Customs brokers nito ay kinasuhan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 na kilala ring Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), paglabag sa Executive Order No. 877-A, o mas kilala bilang “The Comprehensive Motor Vehicle Development Program” at paglabag sa “Revised Penal Code”. (Jo Calim)

164

Related posts

Leave a Comment