UMANI ng hiyawan at sigawan si Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, mula sa libu-libong tagasuporta sa ginanap na grand rally sa Pangasinan.
Napuno ng kasiyahan at pag-asa ang paligid habang masiglang tinanggap ng mga kababayan ang kanilang kandidato at kinatawan sa Kongreso.
Ipinaabot ni Brian ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga dumalo: “Mga kasama, maraming salamat sa pagpunta sa grand rally ng FPJ Panday Bayanihan Party-list! Hindi ko papahabain itong speech na ‘to, itong concert na ito ay pasasalamat dahil ang FPJ Panday Bayanihan Party-list ay ang number one party-list ng Pangasinan. Maraming salamat sa tulong at suporta nyo po.
Huwag niyong kalimutan na ang FPJ stands for Food, Progress, and Justice; ito ang mga adbokasiya natin: pagkain, trabaho at hustisya.”
Habang umaawit, mainit na nakipag-ugnayan si Brian sa audience, na lalong nagpatibay ng koneksyon sa pagitan niya at ng mamamayan.
Sa isang espesyal na kilos, ibinigay niya ang kanyang salamin at jacket sa mga tagahanga, na agad na sinuklian ng hiyawan at palakpakan.
Naramdaman ng mga tao ang kanyang tunay na pagpapahalaga. Nagpakilig pa lalo si Brian sa kanyang mga tagasuporta nang mamigay siya ng magagandang rosas sa mga dumalo. Ang simpleng kilos na ito ay sumasalamin sa kanyang malasakit at layuning makalapit sa mga taong nais niyang paglingkuran.
Ang masiglang enerhiya at karisma ni Brian Poe ay damang-dama sa buong venue. Hindi lamang ito naging isang pagtatanghal, kundi isang patunay na mahal siya ng kanyang komunidad, na sabik nang makita siyang magsilbi bilang isang tunay na kinatawan sa Kongreso.
Sa pagtatapos ng rally, malinaw na ang ugnayan ni Brian Poe sa mga taga-Pangasinan ay lalo pang lalalim, na nagpapahiwatig ng isang lider na handang maghatid ng positibong pagbabago para sa kanyang mga kababayan.
