PINANGUNAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katuwang ang Department of Transportation (DoTr), ang paglulunsad ng cashless QR payment sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa BSP, ang paggamit ng scan-to-pay o QR-based system sa Edsa busway ay optional at hindi sapilitan para sa mga commuter. Layunin ng bagong sistema na magbigay ng mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagbabayad, lalo na sa mga pasaherong mas komportable sa modernong transaksyon.
Nilinaw ng DoTr na mananatili ang tradisyonal na paraan ng pagbabayad upang matiyak na walang maiiwan at may kalayaan ang publiko sa pagpili.
Sa ilalim ng sistema, kailangan lamang ng pasahero na buksan ang kanilang e-wallet app, piliin ang commute option, at i-scan ang QR code ng konduktor upang makapabayad nang mabilis at eksakto.
Ayon sa DoTr at BSP, layunin ng cashless payment na pabilisin ang biyahe, bawasan ang abala sa pagsukli, at maging mas ligtas at efficient ang pagsakay ng mga pasahero sa Edsa busway.
(CHAI JULIAN)
55
