“TO the rescue” ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanyang kabarong komedyante at TV host na si Vice Ganda matapos palagan ang kanyang ‘jet ski holiday’ joke’ ng mga Duterte supporter. Sa kanyang video message, hindi na ipinagtaka ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang pagkuyog ng Duterte supporters sa komedyante dahil masakit aniyang tanggapin ang katotohanan. Sa isang concert, ginawang subjects ni Vice Ganda ang isyu sa jetski na patungkol sa pangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election na kapag siya ang nanalong…
Read MoreCategory: BALITA
22M HOUSING BACKLOG SA TAONG 2040
SA loob ng susunod na labinlimang (15) taon, lolobo ng hanggang dalawampu’t dalawang (22) milyon ang backlog o kakulangan sa pabahay sa Pilipinas. Ito ang nilalaman ng House Bill (BH) 3359 na inihain kahapon ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima para amyendahan ang Republic Act (RA) No. 7279 o “Urban Development and Housing Act (UDHA) of 1992”. “To date, it has been more than three decades since the enactment of the Urban Development and Housing Act, yet the nation has made limited progress in providing decent and…
Read MoreKATOTOHANAN SANDATA LABAN SA KASINUNGALINGAN NG TSINA – CHAIRMAN GOITIA
INALMAHAN ni Dr. Jose Antonio Goitia ang panibagong insidente ng pambabarako ng Tsina sa tropa ng Pilipinas. Sa eksklusibong panayam kay Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayan at pang-sibikong organisasyon, sinabi niya na ang West Philippine Sea, ay hindi lamang labanan ng mga barko at coast guard. Isa rin itong labanan ng mga naratibo, at sa digmaang ito ng mga salita, nagsasagawa ang Tsina ng agresibo at pinondohang propaganda laban sa sambayanang Pilipino. Si Goitia, isang matatag na tagasuporta ng matapang na paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa…
Read MoreMGA SENADOR NAMUMULITIKA SA IMPEACHMENT NI VP SARA – SOLON
KUNG mayroong namumulitika sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ay hindi ang mga congressman na nag-endorso sa reklamo kundi ang mga senador. Reaksyon ito ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos pasaringan ng ilang senador ang Kamara ng “pamumulitika” matapos i-archive ang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo. “Yan ang nakakagalit nga mga pahayag ng mga senador lalo na ang Senate president at saka yung mga susing tao sa debateng ito na pumusisyon para i-archive ang impeachment….sila ang malinaw na namumulitika,” ani…
Read MoreMERALCO SINUPALPAL MALING PAGHAHAMBING NG SINGIL NITO SA ECs
NAGBIGAY linaw ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga lumalabas na paghahambing sa singil nito sa kuryente kumpara sa mga electric cooperative (EC) sa bansa. Ayon sa opisyal na pahayag ng kumpanya, malinaw ang malaking pagkakaiba sa operasyon, pinagmumulan ng kuryente, at kalidad ng serbisyong inihahatid kaya hindi puwedeng balewalain ang mga ito kung ikukumpara ang Meralco at mga EC. Binigyang-diin ng Meralco na ang lahat ng singil nito ay dumaraan sa masusing pagsusuri, pag-apruba, at kumpirmasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) para matiyak na makatarungan at makatwiran ang presyo…
Read More3 TERORISTA PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS
TATLONG lawless element na sinasabing kasapi ng Daulah Islamiyah terror group, ang napatay sa inilunsad na joint law enforcement operation ng pulisya at militar sa bayan ng Lumbayanague, Lanao del Sur nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat, patay ang tatlong hinihinalang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiya-Lanao nang makipagbarilan sila sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army na planong maghain ng warrant of arrest. Nabatid na sa kasagsagan ng putukan ay nadakip din ng mga awtoridad ang tatlong iba…
Read MoreSANGGOL, INA PATAY SA RATRAT; LOLA SUGATAN
IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na alamin ang motibo sa likod ng pagpatay sa isang ginang at pitong buwan na sanggol nito na ilang ulit na pinagbabaril habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay San Gregorio, San Pablo City sa Laguna. Inutos sa Laguna PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at kilalanin ang suspek na walang awang bumaril sa sanggol ng tatlong ulit habang anim na tama naman ng punglo ang kumitil sa ina nito. Lumitaw sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng gabi, karga ni Rhea Lunar, 30-anyos, ang…
Read More38 KATAO NASAGIP SA HUMAN TRAFFICKING
NASAGIP ng pinagsanib na puwersa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang 38 katao, kabilang ang 22 babae, 12 lalaki at 4 menor de edad, sa isinagawang operasyon noong Agosto 8 sa Taha Wharf, Zamboanga City. Nahuli ang grupo sakay ng wooden-hulled cargo vessel mula Taganak, Tawi-Tawi patungong Sabah. Ayon sa apat na biktima, ni-recruit sila para magtrabaho bilang kasambahay sa China gamit ang tourist visa kapalit ng sahod na P70,000 pataas. Nabatid ding dati na silang na-offload sa Maynila. Nasa pangangalaga na ng…
Read MoreREMULLA KUMPIYANSANG MABABASURA KASO SA OMB
KUMPIYANSA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “hinog” na ang kanyang kaso kaya dapat nang ibasura sa Office of the Ombudsman. Nauna rito, si Remulla ay isa sa mga naghain ng aplikasyon para maging susunod na Ombudsman kapalit ng nagretirong si Samuel Martires. Pero lumabas kamakailan ang ulat na disqualified o laglag ang kalihim dahil sa kinakaharap nitong reklamo na may kaugnayan sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover sa International Criminal Court (ICC). Sa isang press statement, muling sinabi ni Remulla na hindi siya susuko sa…
Read More