BOC: LIBRENG ‘TOUR’ GINAGAWANG PAIN SA DRUG COURIER RECRUITMENT

GINAGAMIT umano ng mga sindikato ang alok na libreng biyahe o “fully sponsored tour” bilang pain sa pagrerecruit ng mga indibidwal na nagiging drug courier. Ito ang babala ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagtaas ng mga kasong kinasasangkutan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa drug trafficking. Ayon sa BOC, kabilang sa mga modus ng sindikato ang pagrerecruit ng mga aplikante para sa trabaho sa ibang bansa, gaya ng domestic helper. May mga pagkakataon din umanong iniaalok ang free tour upang makumbinsi ang target na bumiyahe, kung saan pinaniniwalaang…

Read More

‘FRANCIS LEO MARCOS’ NAKA-LIVE NA INARESTO SA PATUNG-PATONG NA KASO

INARESTO ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group–NCR ang vlogger na si Norman Mangusin, mas kilala bilang “Francis Leo Marcos,” sa loob ng Sheraton Hotel nitong Martes. Hinuli si Mangusin habang naka-live sa kanyang social media page at nanananghalian. Nag-ugat ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Parañaque City RTC Branch 294 na konektado sa multiple counts ng unjust vexation. “I confirm that Norman Mangusin, also known as Francis Leo Marcos, was arrested today by the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group…

Read More

DEKLARASYON NI VP SARA NA TATAKBONG PRESIDENTE, NAGBIGAY TAPANG SA MGA PILIPINO

PUNA ni JOEL O. AMONGO NGAYON ay lalong dumami ang mga Pilipino na nagpakita ng kanilang tapang upang labanan o kondenahin ang mga nangyayaring korupsyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Pakiramdam ng mga Pilipino ay may kakampi na sila ngayon matapos magdeklara at magpakita ng tapang si Vice President Inday Sara Duterte na tatakbo siya sa 2028 presidential election. Ayon sa pahayag ni VP Sara, tinanggap niya na hindi na niya sarili ang kanyang buhay matapos niyang sabihin na tatakbo siya sa pagkapangulo, dahil inaalay…

Read More

PANUKALANG PAG-ABOLISH SA TRAVEL TAX LUSOT SA HOUSE COMMITTEE

APRUBADO na sa House Committee on Tourism ang mga panukalang mag-aalis sa travel tax, kabilang ang House Bill No. 7443 na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa pagdinig na pinamunuan ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, inaprubahan ang anim na panukala kaugnay nito. Ang travel tax ay kasalukuyang pinakikinabangan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Commission on Higher Education (CHED), at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ayon kay TIEZA COO Mark Lapid, 90% ng operating budget ng ahensya ay mula sa travel tax…

Read More

4 IMPEACHMENT COMPLAINTS VS VP DUTERTE, NASA HOUSE JUSTICE COMMITTEE NA

OPISYAL nang inirefer ng House Plenary sa House Committee on Justice ang apat na impeachment complaints laban kay Sara Duterte. Ang hakbang ay nangangahulugang maaari nang umusad muli ang impeachment process matapos ang isang taong ban. Ang unang reklamo ay inihain ng Makabayan Coalition at inendorso nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Jane Elago, at Kabataan Rep. Renee Louise Co. Ang ikalawa ay mula sa mga progressive at civil society groups na inendorso nina ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perci Cendaña. Ang ikatlo…

Read More

LTFRB NAGLABAS NG SCO LABAN SA BUS OPERATOR SA AKSIDENTE SA QUEZON

NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng isang pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa Gumaca, Quezon na nagresulta sa pagkasugat ng hindi bababa sa 25 pasahero. Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada. Sa ilalim ng pangangasiwa ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, pinatawag ng LTFRB ang operator upang magpaliwanag sa insidente. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II,…

Read More

PBBM: NATION FIRST, PERSONAL AGENDAS LATER

HINDI dapat maging hadlang ang political differences upang magtrabaho para sa bayan. Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang social media post kaugnay ng kanyang pagbisita sa Naga City, kung saan kasama niya si Mayor Leni Robredo. Ayon sa Pangulo, serbisyo muna bago pulitika, at ang layunin ng kanyang pagbisita ay inspeksyunin ang Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Inilunsad noong Pebrero 18, 2026 ang operasyon na tatagal hanggang Hulyo 31, 2026. Saklaw nito ang paglilinis ng 29 ilog at sapa at…

Read More

13 NASAGIP SA SAKUNA SA BOAT TRIP

CAVITE – Nasagip ang 13 pasahero, kabilang ang ilang bata, makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na hampas ng alon sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Tumangging magpadala sa ospital ang 13 pasahero ng FBCA Lord John dahil maayos na umano ang kanilang kalagayan. Ayon sa ulat, bandang alas-11:20 ng umaga nang magkayayaan ang grupo ni alyas “Menard” na mag-boat trip sakay ng motorized banca na pagmamay-ari ng pamilya nito Mula sa baybayin ng Tanza, Cavite, nagsimulang mag-boat trip ang mga ito hanggang…

Read More

P55-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

MAHIGIT sa P55 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa kanilang Back-to-Back Operations sa dagat, sakop ng Zamboanga at Sulu. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta PN, tatlong sasakyang dagat na may lulan na undocumented cigarettes, na may kabuuang market value na aabot sa P55,766,870.00, ang nasabat ng mga tauhan ng Western Mindanao Naval Command sa magkahiwalay na sea interdiction. Noong Linggo nasabat ng Naval elements ang M/V SARHANA…

Read More